03

190 31 8
                                    

Chapter's Theme Song: I Can't Believe My Eyes by Air Supply

Chapter 3


Hindi ako makapaniwala...

Sa kanyang tindig, tila anghel na mukha at mga titig. Idagdag mo pa ang kaniyang napakabangong amoy. Hindi ako maaaring magkamali, siyang-siya si Estefanio Del Carpio. Ang iniidolo ko ay nasa harap ko na ngayon!

Ahhhhh! Gusto ko ng lamunin ng lupa ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang nag-slow-mo na ang paligid...pero nagwawala naman ang puso ko! Gusto na yata nitong sumabog anumang oras ngayon!!!

“Entschuldigung,”(Sorry) natataranta nitong saad at tinanggal ang MP3 player na nakasalpak sa kanyang tengga.

Hindi ko mainitindihan ang sinabi niya pero ahhh!!! Ang boses niya, Estefaniong- estefanio! Hindi ko na 'to kaya pa! Para na akong baliw sa loob ko! Gusto ko nang magsisigaw pero nangingibabaw ang napakalakas na pintig ng puso ko!

“AHHHH!!!” tili ko nang matauhan makalipas ang ilang segundo. Halos mapunit na ang lalamunan ko sa ginawa kong ito. Maging si Estefanio Del Carpio ay napatakip sa kaniyang mga tengga dahilan para tumigil ako.
Mabilis akong napatakip sa sarili kong  mukha dulot ng kahihiyang ginawa ko.

Hala! Baka ma-turn off siya sa ginawa ko! Sorry...

“I didn't see you coming, Miss. I didn't mean to hit you. I'm really sorry,” saad niya at saka ako inalalayang tumayo. Napatulala na lamang ako sa mga palad ko habang itinatayo niya ako. Ahhh! Hinawakan niya ako! My God! Hindi ako sanay maghihiyaw ng ganito sa loob ko pero hindi ko mapigilan. Napaka-surreal ng nangyayari ngayon! Ahhh!

Ikaw ba naman ang hawakan ng isang taong matagal mo nang iniidolo? Ang bilis ng tibok ng puso ko. As in, parang gusto na nitong kumawala sa katawan ko. Wala akong ideya na ganito pala ang pakiramdam sa sandaling makadaupang-palad mo na nga ng tuluyan ang isang taong matagal mo ng hinahanggaan!

Imagine, sa dami ng tao sa mundo, narito ako ngayon kasama si Estefanio! Kaharap si Estefanio! At hawak-hawak niya pa ang kamay ko!

“Miss?” narinig kong tanong nito kaya naman dahan-dahan akong sumilip mula sa mga palad kong pinanghaharang ko pa rin sa aking mukha. Ang gwapo niya! Natatakot akong mawalan ng malay sa oras na tintigan ko siya nang napakatagal.  Matangkad din siya at halos leeg lang niya ako ngayon.

“Are you a Filipina?” tanong nito pero nanatili lang akong nakatitig sa mukha niya. Ang bango niya talaga! Damang-dama ko na ang pawis na bumabagsak mula sa noo ko. Pakiramdam ko, hindi ko na ako makapagsalita nito lalo na't siya ang nasa harapan ko!! Ahhh! Paano i-explain ang pakiramdam na gayo nito ha?!

Nag-wave siya ng kamay niya sa mukha ko at saka nag-snap. Dito lang ako napapikit mula sa mahabang pagkatitig ko sa kaniyang maamong mukha. Nabalik ako sa ulirat. Napangiti naman siya nang bahagya. Ang gwapo niya talaga! Estefanio!

“Filipina ka ba?” tanong muli nito dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Marunong siyang magtagalog?! Ahhh! Ang fluent niya magsalita! Nakaka-amaze siya. Pero teka, baka iniisip niyang hindi ako nakakaintindi ng English?

Iniyos ko ang sarili ko at saka ngumiti ng pagkalapad-lapad sa kaniya! Hindi mo alam Estefanio Del Carpio kung gaano ako kasayang makita kita ngayon sa personal—sa panahong binata ka pa.

“Y-yes, I-i am a F-filipina,” nahihiya at utal-utal kong saad sa kaniya. Napatulala na naman ako sa kaniyang mukha nang ngumiti siya sa akin!

“Ah? Sorry again for what happened. Ich meinte nicht. verletzt es dich?" (I did not mean. Does it hurt?)  saad niya pa. Ang ganda rin pala ng kilay niya. Ayos na ayos...pero teka, anong sabi niya?

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now