29

51 6 10
                                    

Chapter's Theme Song: Making Love Out Of Nothing At All by Air Supply

Chapter 29


Napapikit ako sa ginawang paghalik sa akin ni Estefanio. Hindi ko inaasahang totohanin niya ito.

Mabilis na halik lamang ang ginawa niya pero tila ilang minutong tumigil ang mundo ko. Sa halik niyang ito, magkahalong kaba at kapayapaan ang naramdaman ko.

"Estefanio!"

Nabalik kami sa reyalidad at agad kaming naghiwalay ni Estefanio. Napalingon kaming lahat sa bukana ng kapilya at nakatayo roon si Mrs. Del Carpio at ang isang babaeng mistisa.

Pagalit na itinapon ni Mrs. Del Carpio ang hawak-hawak nitong inumin dahilan para magsigawan ang ilang mga staffs na natamaan niya.  Nakita ang paniningkit ng mata niya at paglabas ng mga ugat sa noo niya habang binabagtas ang pasilyo patungo sa amin ni Estefanio.

Nang makita ang galit niya, agad akong lumayo kay Estefanio. Nagkatitigan pa kami ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Nanginginig ang mga kamay na tumakbo palabas sa gilid ng open chapel na ito.

"Walang hiya ka!" Narinig ko pang sigaw ni Mrs. Del Carpio.

Narinig kong nagkagulo na sa set ngunit hindi ko na sila nilingon pa. Bahagya pa akong natapilok nang makalabas ka damuhan kaya't agad kong hinubad ang suot kong sandals. Maluha-luha akong tumakbo palayo sa kanila.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang makalayo sa kanila. Alam kong sasaktan lang ako ni Mrs. Del Carpio at natatakot ako roon. Ayokong maulit at maulit na naman ang mga pangyayari kung saan nagmumukha akong mahina at kinakaawaan.

Dala ng bigat ng suot kong bridal gown, bigla akong natumba at napasalampak sa lupa. Para na akong bata habang humahagulhul at pilit na itinatayo ang sarili mula sa putikan. Ang puting gown na ipinasuot nila sa akin ay puno na ngayon ng dumi.

"Juliet!"

Natigilan ako sa pagtakbo nang marinig ang boses ni Estefanio. Agad kong naisip na takbuhan siya palayo ngunit naramdaman ko na lang ang paghablot niya sa mga kamay ko hudyat na naabutan niya ako.

"Juliet,where are you going?" aniya habang hawak-hawak ako. Mariin akong kumawala sa kaniya at tuluyan nang napaiyak. Hindi ko na kayang kontrolin ang nararamdaman ko.

"Juliet, I'm sorry. I didn't know Mom was coming," aniya habang habol-hininga. Hindi ko siya magawang titigan.

"Masasaktan na naman ako," saad ko sa gitna nang pag-iyak. Napahawak na lang ako sa mga tuhod ko upang suportahan ako sa pagtayo. Nanginginig ang mga kamay ko.

"Masasaktan na naman ako Estefanio! Bakit ba kasi pinasok ko pa ang buhay mo?!" mariin kong iyak.

"J-juliet, I..." Hindi siya makapagsalita. Hindi niya kayang ipagpatuloy ang sasabihin niya.

Ngumiti ako nang mapait sa kaniya ngunit patuloy pa rin ako sa pagluha. "Kasalan ko rin 'to. Wala ka namang sinabing magkagusto ako sa'yo, p-pero heto ako! Heto ako! Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko!" Kusa ng lumalabas ang mga salita sa bibig ko.

"A-are you saying...you are—"

"Oo!" sigaw ko. Ramdam ko ang lalong pagbigat ng puso ko. Naaalala ko ang bawat pagkakataon na pinigil kong huwag siyang gustuhin pero nangyari pa rin. "Oo, Estefanio... m-mahal kita," nanginginig kong saad. Patuloy pa rin ako sa pagluha.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now