30

53 5 11
                                    

Chapter's Theme Song: Please Forgive Me by Bryan Adams


Chapter 30

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok at kurap nang magtagpo ang mga tingin namin ni Estefanio. Shems! Hindi niya dapat ako nakita!

"Are you okay?" Mabilis na lumapit sa pwesto ko si Estefanio at tinulungan akong itabi ang plywood na bumagsak sa akin kanina. Hahawakan niya pa sana ako para itayo pero agad akong umiwas at tumayo nang mag-isa.

"Ay Juliet! A-andito ka pala!" biglang pagsasalita ni Goldia. Halata sa tono niyang naglilinis-linisan siyang hindi niya alam na nandito ako. "P-paano ka nakapasok dito sa building?!"

Kusang napalingon ang ulo ko kay Goldia at pinanlakihan niya naman ako nang mga mata. Ilang sandali pa bago ko na-realize na gusto niyang umarte ako na wala siyang kaugnayan sa akin.

"Don't lie to me Goldia. She's been here all along right?" sita ni Estefanio sa ginagawa naming pagsisenyasan ni Goldia. Natigilan naman si Goldia at agad inayos ang mukha. Seryosong nakatingin sa kaniya si Estefanio.

Magrarason pa sana si Goldia pero napapikit na lang siya nang tuluyan dahil sa matalim na tingin ni Estefanio. Maging ako ay nai-intimidate sa ganoong tingin ni Estefanio. Habang tinitignan ko siya ngayon, nanliliit ako sa sarili ko. Ngayon, wala na 'tong atrasan. Wala na akong magagawa kundi ipaliwanag sa kaniya ang mga sinabi ko sa kaniya noong huling shoot.

"S-sorry Estefanio," panimula ni Goldia. Ilang metro ang layo niya sa pwesto namin ni Estefanio at nahaharangan pa siya ng ilang retaso ng bakal at kahoy patungo sa amin. "Yes, nandito na si Juliet noong mga nakaraang araw pa. Hindi ko sila mapaghiwalay ng pinsan niya at talagang malaki naman ang naitutulong sa akin ni Eda kaya't pumayag akong patuluyon dito si Juliet. Pinagbawalan lang namin siyang magpakita sa inyo nina Mrs. Del Carpio dahil siguradong lagot kami, lalong lalo na ako," paliwanag ni Goldia at saka napairap. Ramdam ko rin ang kaba niya sa kung ano na ngayon ang mangyayari matapos malaman ni Estefanio na itinatago nila ako rito sa Casa Simeon Hotel.

"Hindi niyo kailangan magtago sa akin." Nabigla ako sa sinabi ni Estefanio kaya't bumalik ang tingin ko sa kaniya. Napatitig din siya sa akin at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm on your side. I'll be here to protect you even from my own mother," aniya.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. May kung anong kakaiba sa kaniya, sa bawat salita niya, at sa bawat titig niya sa akin. Iba sa mga pagkakataon na nakasama ko siya noon.

"Hays!" Biglang huminga nang malalim si Goldia at napatukod sa tuhod niya. "Salamat naman! Akala ko ay baka kumampi ka rin sa Mom mo kaya't hindi ka namin dapat pagkatiwalaan." Inayos ni Goldia ang sarili niya at tila mas umaliwalas na ang mukha niya dahil sa pagkawala ng kaba."Kung gayon Estefanio, makakaasa ba kaming hindi mo kami ilalaglag kay Mrs. Del Carpio?"

Ibinalik ko ang tingin kay Estefanio. Nakatingin siya ngayon kay Goldia at bahagyang nakatagilid ang ulo. "Your have my word... But, I have one condition for you now."

Hindi na ako nakatingin pa kay Goldia pero alam kong pareho kaming muling kinabahan sa sinabi ni Estefanio. Naniniwala naman ako kay Estefanio na hindi niya nga kami ilalaglag dahil maging siya minsan ay talagang tutul sa nanay niya. Pero... anong kondisyon pa ang gusto niya?

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now