MISSING CHAPTER XIII

38.7K 1.1K 96
                                    

Pinapunta ko si Princess sa gym since sobrang lapit lang ng bahay nila dito. Pinagipunan ng mga magulang ko yung bahay na kinuha nila sa amin. Ang galing lang dahil sa sobrang yaman nila, nakuha nila 'yun lahat sa amin.

Nakuha nilang lahat. Nakakaawa sila dahil habang masaya kami ni Mommy at Daddy kahit hindi kami mayaman, nagpapakahirap silang pabagsakin kami. Kunin man nila lahat ng properties namin, hinding hindi naman kami masisira.

Eh yung anak ba nilang prinsesa? The way I look at it, sirang sira sila. Meron man silang pader, pero kahit sino, kaya 'yun sirain. Bakit? Dahil nabuhay sila sa paghihiganti at paninira.

"Ano gusto mong sabihin?" Gusto kong masuka tuwing iniisip kong pinsan ko ang katabi ko ngayon. "Pumayag lang ako dahil may gusto rin akong sabihin kaya bilisan mo na. Ayaw na kitang makita pagkatapos nito. Nakakadiri ka, nakakaawa."

Nakaupo kaming dalawa sa bench pero malayo kami sa isa't isa. Ang sama ng tingin niya sa akin, "I hate you. I super duper hate you!" Parang paiyak na siya.

I shook my head, "Arte."

When I looked at her, she was crying already, "I hate you! I hate you so much! Lagi mo na lang akong natatalo. I really hate you. Kahit bata pa lang, lahat na lang ng attention ng mga tao na sa'yo. Wala ng natira sa akin dahil inubos mo na lahat!"

"Tangina, ano bang ibig mong sabihin? Teka, akala ko ba mayaman ka? Akala ko ba you have everything? Anak ng. Sobrang arte mo, alam mo 'yun? Kaya siguro naiinis sa'yo mga tao."

She cried harder, "Alam ko na. Tyrone talked to me after you went out of grandpa's house. Alam mo na lahat. Alam mo ng ikaw yung favorite at hindi ako. Alam mo ng puro material things lang binibigay nila sa akin. Your parents love you and they care for you unlike mine, you're grandpa's favorite, you have real friends, and you have Tyrone who's willing to sacrifice for you. Ano bang meron sa'yo ng wala ako?"

"Nagpapaawa ka ba? Kasi hindi na ako naaawa. I'm fcking numb."

Dahil sa mga nalaman ko, parang namanhid na lahat. Wala ng isasakit pa, wala ng ikakagulat pa, at hindi na rin ako naaawa. Para akong robot. Naiintindihan ko na mga nangyayari, pero hindi pa rin nagsisink in ng tuluyan. Hindi matanggap ng sistema ko mga nalaman ko.

She was still crying, "You know what? I was the one who broke up with Tyrone."

I stared at her blankly, "Gagawin ko?"

She wiped her tears and laughed. Nababaliw na siya, "Hindi ka ba nagseselos? Ako ang nakipabreak kay Tyrone. I was the one who broke up with the boy you love."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ba't ako magseselos? Mahal ka ba? Diba binlackmail mo lang naman?" I smirked. "Hindi ka lang pala maarte, makapal rin pala mukha mo."

"I really hate you, but you know what? Kayong dalawa lang ni Tyrone ang honest sa akin. Grandpa and my parents give me everything, pero hindi ko maramdaman yung love. Mas gusto ko pa ngang pagalitan nila ako, pero never nila akong pinagalitan. Si Grandpa pwede pa, but I know he loves you more. My friends say they're lucky to have me. Ang weird lang kasi hindi ko maramdaman. Maririnig ko na lang sa iba, binabackstab na nila ako."

"Wala akong panahon sa pagdadrama mo. Umalis ka na o ako na lang ang aalis."

"Aalis naman na talaga ako."

"Pakihanap yung pake ko," I told her.

"I'm going to Italy and study there. Magiging sikat na fashion designer ako. I'll make my parents proud. Magiging favorite rin ako ni grandpa. I'm gonna find real friends there and I will meet someone who could sacrifice for me. Making your boyfriend like me is too impossible. He's too blunt, like you. He's too in love with you."

"Schizophrenic ka ba? Bipolar? May multiple personality disorder? Putangina," Kanina umiiyak siya tapos tumatawa tapos ngayon, ganito na siya mag-salita? Anong problema niya?

"Habang kami ni Tyrone, ikaw lang ang bukang bibig niya. Ang dami niyang sinasabi. Magbago daw ako and I should stop being a brat. Maging independent naman daw ako. Kaya hindi daw ako pinapansin ng parents ko dahil ang spoiled brat ko daw. Kaya daw wala akong real friends kasi hindi naman ako real. Lahat ng masasakit, nasabi na niya."

Gusto kong tumawa, pero pinigilan ko, "Kung nakapagdecide ka na pala, why were you being dramatic last night? Bakit gusto mo siyang balikan?"

"Nakapadecide na ako matagal na, pero I still tried last night. Aalis na ako next week and I still wanted to try. Pero noong dumating ka, you slapped me and told me to grow up, narealize ko kung bakit ka nila mahal. You're independent and matured. May sarili kang decision at sobrang genuine mo. I really hate you for being like that."

Naiinis na ako sa contest niyang siya lang ang may alam kaya nag-salita na ako, "Look. We are not competitors nor rivals. Don't compare us. Are we fcking clear? We are too different. Completely different, may I add. I didn't even know you! You hate me? Likewise, spoiled brat, but let me tell you a piece of advice. Ruining someone's life is never an option. Every action has its consequence. Anong napala mo noong binlackmail mo si Tyrone? Sumaya ka ba?"

She pouted, "Bakit ba parehas kayo lagi ng sinasabi ni Tyrone?"

"Ewan ko sa'yo. Umalis ka na lang."

Tumayo na siya at huminga nang malalim, "Tyrone will be proud of me, for sure." Tiningnan niya ako. "I still hate you, Zeah, but now I know why they love you." Umiwas siya ng tingin.

Nag-lakad siya. Noong malapit na siya sa pinto, humarap siya sa akin, at nag-salita, "You deserve their love." Isasara na niya sana yung pinto, pero pinigilan ko siya.

"Brat!" I called her. "Uhaw na uhaw ka sa pagmamahal, no?"

Sinamaan na naman niya ako ng tingin.

I made a sarcastic laugh, "Love comes naturally, hindi pinipilit at hinahanap. Love will come to you eventually. Baka nga nandiyan na, pero masyado ka lang occupied sa ibang bagay. Hindi lang naman eros ang type of love. I'm pretty sure your parents love you. Mas busy lang sila sa ibang bagay. Your grandpa loves you more than everything. Maswerte ka dahil nakasama mo siya. Stop being a pessimist and narcissist. Di sa'yo umiikot ang mundo. Learn to appreciate."

She smiled at me, parang iiyak na siya, "I hate to say this, but you're really amazing. Akala ko dati, ikaw ang maswerte, pero sila pala ang lucky dahil sa'yo. Bye, ate Zeah. Don't worry, I'll talk with my parents and try to stop them."

Umalis na siya. Nag basketball muna ako mag-isa para makapagisip ng maayos. Our lives are fcked up, but fck everything, this is life. Hindi lahat ng gusto natin, nakukuha natin. May mga taong kulang sa pagmamahal at gagawin lahat para mahalin sila, pero kahit anong gawin nila, minsan, wala pa rin talaga. Life is not a fairy tale, but it could be fun. It is fun despite the storms.

(A/N: Sobrang konti na lang, tapos na ang missing chapters. Thank you for supporting and reading, guys!)

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon