12

75K 1.3K 66
                                    

3RD PERSON'S POV

"Mommy, daddy, totoo ba?" Zeah asked them habang nakaupo yung daddy niya sa dining table at nagbabasa ng newspaper while yung mommy naman niya, naka-apron at naghahanda ng breakfast nila. It' Saturday today! Pag gising pa lang ni Zeah, parang may bubuyog na sa tiyan niya.

"Oo, nagpaalam siya sa amin. Mukha namang sincere yung bata kaya pumayag na kami. Kinausap din kami ni Rylie."

Umupo si Zeah sa dining table para kaharap niya daddy niya, "Daddy?"

Binaba niya yung newspaper na hawak niya pati yung salamin niya, at hinawakan dalawang kamay ni Zeah na nasa table "We already talked to him, anak. You're going to be safe. May curfew pa din naman kayo. Sinabi ko naman sa kanila na kung ayaw mo, wag ka ng pilitin."

Hindi ako nag salita. Nagtitigan lang kami ni Daddy tapos nag salita ulit siya, "You're a smart girl, Alzeah. Kaya mo ng mag decide para sa sarili mo. Just always remember this: Iwanan ka man ng lahat, pero your mother and I will never ever leave you."

Sweet talaga ang daddy ni Zeah unlike sila ng mommy niya na ayaw ng drama at ng mga cheesy stuff.

"Thanks, Dad," Sabi niya na lang. Hindi talaga siya comfortable sa mga ganitong usapan kaya nagpasalamat na lang siya.

Sure na sure na si Zeah na pupunta siya kaya naman kahit maaga pa, naligo na siya. Sabay sabay ulit sila nila Louisse manonood ng game. Pagkaligo niya, may malaki na naman siyang problema...

Ano isusuot niya?

Sabi naman niya sa sarili niya noong hindi na niya na alam gagawin niya, "Nevermind. Si Tyrone lang naman." Nagbihis na siya at bumaba. Maaga pa naman kaya nanood muna siya ng TV sa baba. Kahit nanonood siya, wala sa pinapanood niya ang atensyon niya.

"Alzeah Marie Constantino!!!"

Napatayo siya, "Ano?" Nagulat siya sa mommy niya.

"Makikipagdate ka ba o ano? Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ng mommy niya. Nakapants kasi siya, loose shirt, at rubber shoes. May hawak din siyang cap just in case matuyo buhok niya.

"Si Tyrone lang naman yun Mommy," Sabi niya habang nanonood ng TV tapos bigla siyang binatukan ng mommy niya.

"Umakyat ka sa taas," Utos ng mommy niya. Pinatay ng mom niya yung tv at umakyat hanggang sa kwarto niya. Sumunod din naman siya.

"Tingnan mo nga, ang daminamingdamit na binibili sayo ng Tita Rylie mo tapos di mo sinusuot. Wear these!" Nilagay ng mommy niya yung isusuot ni Zeah sa kama niya.

"Ang iksi!" Reklamo ni Zeah.

"Maganda naman legs mo, ipakita mo!"

"Paano pag nabastos ako dahil diyan?! Mommy naman!"

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon