SEVENTEEN

94.6K 1.6K 186
                                    

I ended up dancing slash practicing ALONE. Tinawagan kasi nila Tita Ry at Tito Justin si Tyrone. Uuwi ata sila sa bahay nila sa South. Buti nga sa kanya. If I know, imbento lang niya yung naging partner na siya ng isang ballerina noon at nakapagperform na din siya on stage. Oo, sumasayaw siya and nakakapagperform siya dati pero hindi naman siya nagiging partner ng ballerina!

After mag practice, kinausap ako ni Miss Claudette.

"I know you're busy with your acads, dear. But please, as much as possible, avoid being late. I'm doing this for you, okay? I believe in your talent and I know you want to help your parents, too. Masipag kang bata kaya alam kong makakapasok ka sa audition," She smiled at me.

Pag uwi ko, nagulat ako kasi nasa table ng dining room sila mommy and daddy. 

"May meeting?" Tanong ko. 

Nagulat sila pagkakita nila sa akin. Lumapit naman ako sa kanila at nag kiss. Hindi naman ako masyadong bastos.

"Anong meron?" I know there's something wrong. But what is it?

"Mommy, daddy, ano yun? Matalino ang anak niyo at hindi niyo kailangan mag tago ng kahit na ano sa akin."

Mommy shook her head, "Wala, yung daddy mo kasi-"

Hinawakan ni daddy kamay ni mommy at umiling, "Let's talk about this next time. May sasabihin lang akong mahalaga sa anak natin."

Mommy nodded her head tapos pinaupo nila ako kaya umupo naman ako.

"Bakit, daddy?" 

"Lately, napapansin namin ng mommy mo na ginagabi ka ng uwi. Hindi ka naman ganyan dati ah? Sa pagkakaalam ko, hindi pa rin naman nagbabago ang schedule mo. Dahil ba yan sa pag sama sama mo sa anak nila Tita Rylie mo?" Tanong niya ng seryoso. Hindi ako sanay ng ganito sila. Usually kasi, para lang kaming magkakaibigan. Minsan nga, si Daddy pa yung mas isip bata. Si Mommy naman, kaugali ko daw dati at minsan, hanggang ngayon.

"Hindi naman, daddy. I know what you two are thinking. Iniisip niyo, may something sa amin ni Tyrone. Iniisip niyo, baka mapabayaan ko pag-aaral ko. Wala ba kayong tiwala sa akin?"

"Hindi naman sa ganun. Nag-aalala lang kami ng Mommy mo..."

"Well, una sa lahat, hindi kami ni Tyrone. Hindi naman po magiging kami dahil magkaibang magkaiba kami. Pangalawa, alam ko ang obligasyon ko bilang anak at estudyante. Mag-aaral ako at hindi mawawala sa akin ang scholarship," I sighed. "Sige mommy at daddy, mag-usap na kayo. Pagod na ako. Gusto ko na rin magpahinga."

Umakyat na ako sa taas, nag-ayos ng gamit, nag-linis ng kwarto, naligo, nag-bukas ng laptop, at dumapa sa kama. Gagawin ko na lahat ng kailangan gawin para bukas, stress-free na ko.  Iisipin ko na lang kung paano ipapahiya si Kalie the madiltang bruha. Magttype na sana ako pero nakita ko yung palaka na napalunan ni Tyrone sa playland.

Kinuha ko ito at hinarap sa akin.

"Hoy, palaka! Sabihin mo nga sa amo mo, umayos na siya para hindi kami napagkakamalang mag boyfriend. Nakakabadtrip eh." 

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon