8

78.5K 1.5K 227
                                    

Dahil sa nangyari noong first match, agad lumabas sa school's newspaper ang new "it" ng school. Mas dumami yung fans ni Tyrone at mayroon na ring Synthia at Tyrone love team fans club. Oh well, the typical love story. A popular cheerleader falls in love with a popular basketball player. Wow.

Gusto kong sumuka dahil sa mga pangyayari, pero natatawa na lang ako. Bakit? Kasi alam kong ayaw na niya kay Synthia. Hindi ako tanga. Ang gusto ko lang naman ngayon, sabunutan yung santa santita. 

On the other hand, hindi ko alam kung maiinis ako o maiinis dahil gumawa rin sila Summer ng fansclub ng love team "daw" namin ni Tyrone on Facebook. As of now, mayroon siyang 6 na likes. Kung sinu sino? Sila Summer, Storm, Coby, Girlfriend ni Coby, Ethan, at Louisse. Si Ethan, pinilit lang for sure ni Louisse. Ni hindi nga ata nagfefacebook 'yun.

Pero alam niyo kung ano ang pinakanakakainis sa lahat? 

Masyado mabait si Tyrone. Nasabi ko naman sa inyo na sa akin lang masungit si Tyrone at kay Kalie, diba? Kaya 'to, mas lalo siyang nachichismis. 

*FLASHBACK*

Hinalikan ni Synthia si Tyrone sa lips habang kami, nganga. As in para kaming na-freeze! Sabi nga nila, kahit sabihin mong expect the unexpected, magugulat ka pa rin. Iba pa rin pag nandiyan na. Iba pa rin pag nawitness, naramdaman, o nakita mo na.

"Teka, susugurin ko yung babaeng yan!" Bababa na sana si Summer, pero pinigilan siya ni Storm.

"Hindi ikaw ang girlfriend," Umiling si Storm. "Hayaan mo na si Zeah gumawa ng move."

Napatingin ako kay Storm, "Ulol ka ba? Ba't ako gagawa ng move? FYI, Tyrone and I are frenemies. Yun lang 'yun, pwede ba." Sabi ko at bumaba na.

Ang totoo, nababadtrip ako, pero hindi ko pwedeng ipakita dahil ayokong malaman nila yung nararamdaman ko. Isa pa, pwede ko pa naman 'tong alisin. Hindi naman ako ganito dati e. I hated love stories and until now, I still don't like them. Sabi ko nga dati, I'm not bitter. Hindi lang ako ready. Mas madami kasi akong kailangan i-prioritize kaysa sa love life. Nagegets niyo ba ko?

Saktong pagbaba ko, may narinig akong sumigaw. Nandoon na sila Kalie at Andrew sa baba! Si Kalie, sinampal si Synthia tapos si Andrew naman, sinuntok si Tyrone. What a scene. Ayoko na lang madamay kaya lumabas na ko. Mukha namang nakita ako ni Tyrone dahil sinundan niya ako.

"Wag mo akong sundan, please lang," Sabi ko, pero tumakbo siya at hinawakan braso ko. Nasa open area kami ngayon at nagsisilabasan na ang mga estudyante. May mga nagtitinginan pa nga sa amin. Actually, sa kanya lang sila nakatingin. The hell I care?

"Listen to me!" Hinatak niya ako at hinarap sa kanya. 

"Ano? Kailangan ko pang umattend sa ballet practice ko," Sabi ko dahil totoo naman. See? Sobrang busy kong tao. Love life? Tss. Hindi 'yun kasya sa oras ko.

Kailangan ko muna buhayin pamilya ko. Ang dami naming utang at isa na sa pinagkakautangan namin yung pamilya nila. Tama rin naman na wag ko siyang patulan dahil pag ginawa ko 'yun, magmumukha lang akong user. Matalino naman ako at masipag. Makapal din mukha ko kaya kampante akong magiging successful ako balang araw.

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon