9

82.6K 1.6K 311
                                    

Sasagot na sana siya, pero biglang dumating si Louisse kasama si Ethan. I looked at them and raised a brow, "Kayo na ba?" I asked. Nakavarsity jacket ngayon si Louisse. Feeling ko nga, kay Ethan yung jacket na 'yun.

"Not yet," Sabi ni Ethan. "Kayo na ba?" 

Lagi na lang niya binabalik sa akin mga tanong ko, "Hindi." I rolled my eyes. I looked at Tyrone and he was looking at me, "What? Kailan pala next game niyo?"

"Saturday," He answered. "We won the first game."

"And so?" I raised a brow.

"You have to watch on Saturday."

Hindi na ako nag-salita. Buong araw, sobrang nakakaantok dahil sa lamig! Ang lamig ng aircon at pati na rin ng weather. Alam niyo yung feeling na gustung gusto mong makinig sa teacher, pero hindi kaya ng utak mo dahil sa sobrang antok at lamig? Noong Math class, pinagsagot ako sa board pati na rin si Tyrone. Ako magsasagot ng no. 3 at siya naman sa no. 4. Sabay kaming pumunta sa harapan at sabay pa naming kinuha yung chalk. The fck?!

"Madami pang chalk please lang," Sabi ko at kinuha yung chalk sa kanya. Bago ako tumalikod, nakita ko pa siyang tumawa. Aba't nananadya talaga 'tong isang "to.

Mabuti na lang talaga at dumating sila Louisse kanina at hindi niya nasagot tanong ko. Buti na lang talaga! Kahit gusto ko malaman yung totoo, mas pipiliin kung h'wag. Pag sinabi niyang oo, hindi ko alam gagawin ko. Pag sinabi niyang hindi, wala akong gagawin pero mumurahin ko siya sa isip ko, that's for sure.

After ko magsagot, chineck na ni Ma'am yung sagot ko sa board. Ako naman, umupo na, "Very good, as usual, Miss Constantino." He said blankly.

Pag-upo ni Tyrone, parang nagulat pa si Ma'am, "Wow. You're really improving, Mr. Dela Cruz!" She said. Mukhang nag-aaral na talaga siya, in fairness. Student athlete ang peg.

Noong Snacks, sumama sila Ethan at Tyrone sa amin nila Louisse, Summer, Coby, at Ethan. I'm betting, mamaya, kasama na ulit nila sila Synthia. Kasama na ulit nila Ethan at Tyrone yung mga cheerleaders at athletes.

Kahapon kasi, pinuntahan pa ni Synthia sila Tyrone para lang sumama sa kanila. Pag dating na pag dating namin sa canteen, tama hinala ko dahil hinila agad nila Synthia sila Tyrone at Ethan. May humila nga din kay Ethan na hindi ko kilala, pero alam kong kaibigan siya ni Synthia. 

Ang sarap nila sapakin, seryoso. Hinila na nga nila, tumingin pa sila sa amin at ngumiti. Para nilang sinasabi na sa kanila sila Ethan at Tyrone. Putangina, eh di kanila na! 

I looked at Louisse and she just lowered her head, as usual. Lagi na lang siyang yumuyuko, "H'wag kang yumuko. Kaya ka nabubully e."

She pouted, "Okay." 

Nakita ko din si Andrew na kasama yung friends niya. Nakatingin siya kila Synthia. Dati, siya yung hinihila ni Synthia, pero ngayon? Uh-oh. Hindi ko alam kung paano niya nakakayanang makita si Synthia with Tyrone. Hindi ko alam kung paano niya nakakayanang makita si Tyrone, na dating minamaliit niya, kasama si Synthia, yung gumamit kay Tyrone para makalandi siya. Weird and awkward. 

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon