THREE

103K 1.9K 78
                                    

Nag-isip isip ako ng konti. Ano naman mapapala ko kung tutulungan ko siya? Nevermind, bahala na.

"I'll help you get your revenge, but in three conditions!" Sabi ko habang nakataas yung tatlo kong daliri.

"What?"

"Hmm. First, try mong wag masyadong maging masungit sa akin kasi nakakairita na! Second, you'll do anything and everything I say. Third, bawal ka mag reklamo! Pag nag reklamo ka, wala na, bahala ka na sa buhay mo," I corssed my arms. 

He sighed, "Fine. Sige na, umuwi ka na-" Aalis na sana siya pero syempre, hindi yun pwede!

"HEP HEP! Saan ka pupunta?!" Hinarangan ko siya gamit yung dalawang mahahaba kong braso.

"Tingin mo, saan? Akala ko ba matalino ka? Uwian na, diba?" So ako pa yung bobo ngayon? 

Binaba ko yung dalawa kong kamay at tinaas yung right index finger ko, "What's the first rule again?" I asked him.

He sighed, "Oo na. Uuwi ako, bakit?"

"Good, good. Susunduin ka ba ni kuya Robin?" 

Tumango siya.

"Sa townhouse ka ba uuwi?" 

Tumango ulit siya. Madami kasi silang bahay. Meron sa QC, meron sa South, at ewan ko pa. Lawyer at Doctor ba naman ang parents eh. Kbye. Hindi ako naiinggit kasi yayaman din ako. Alam ko! Ballet dancer naman ako, pwede naman ako maging artista basta wag lang kakanta, matalino naman ako, pwede din akong mag doctor. :> 

"Okay, tara na. Sasabay ako," Sabi ko kasi parehas naman kami ng uuwian, bakit pa ako magpapakahirap sumingit sa LRT?

"ANO?!" Sabi niya habang hinaharang mukha ko ng kamay niya kaya inalis ko yun.

"Bakit, may problema ka?" I raised my chin. 

"Wala," Sabi niya. Noong di na siya sa tumingin sa akin, umilig iling siya. "Kapal talaga," Bulong niya pero rinig na rinig ko yun.

"Anong sabi mo?!"

He sighed again, "Wala, sabi ko, tara na. Sumabay ka na." Okay naman pala. Madami naman palang benefits 'to. Pwede na akong sumabay sa kanya papunta o pauwi ng school lagi, tipid pamasahe. Pinagiisipan ko pa kung papalibre din ako ng pagkain eh pero nevermind. Baka sabihin niya, inaabuso ko na siya. Di naman kaya masyado!

Pagkaupo namin sa sasakyan...

"Hi, kuya Robin!" Bati ko.

"Uy Zeah, buti naman sumabay ka."

"Eh kaya lang naman po ako di sumasabay kasi ayaw ng isa diyan," I smiled at kuya Robin then I looked at Tyrone and smiled at him as well pero di siya nakatingin sa akin. Nakasandal na naman siya sa window at nakapikit. Sige, matulog ka ulit, sleepyhead! Tingnan natin kung makakatulog ka pa sa mga ipapagawa ko sa'yo. 

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon