TWENTY ONE

86.9K 1.6K 245
                                    

"Okay ka lang?" Tanong ni Tyrone pero hindi ko siya pinansin. Ang totoo, sumasakit talaga ulo ko at sumasakit na din yung tiyan ko pero shet, konting tiis na lang. Kaya ko 'to. Pagkadismiss ng klase...

"Louisse, ikaw muna mag tutor kay Tyrone," Sabi ko. Nasa tabi ko lang si Tyrone. Naramdaman kong tumingin siya sa akin pagkasabi ko nun.

"Hala, ang hinhin mo ata masyado. May sakit ka ba, Zeah?" Tanong niya tapos chineck yung leeg ko. "Halaaa, may sakit ka nga."

"Gaga, malamig lang kamay mo. May aircon oh," Tinuro ko yung aircon.

"Ano ka ba, Zeah. Iba yung sa'yo. Sige, umuwi ka na-"

"I don't like," Sabi ni Tyrone at tumingin sa akin. "Kung hindi lang ikaw ang tutor ko, umuwi na lang tayo. Another thing..." 

"Ano?"

"You're sick. I can't let you go home alone," Dagdag niya. Walang nag salita sa amin pero si Louisse, nakangiti. Anong problema ng babaeng 'to?

"Kunwari pa kasing ayaw magpatutor, concerned lang naman pala. Tss," Bulong ni Ethan na nakatalikod sa amin at nagaayos ng gamit niya. 

"Tatae nga muna ako," Sabi ko at pumunta ulit sa CR. Umiling iling ako dahil gusto kong mawala yung sakit ng ulo ko. Tangina naman oh!

Pag labas ko sa CR, nandoon si Tyrone, nakasandal.

"Ano, bodyguard na kita ngayon?" 

"Malamang, hindi," Sabi niya. Eh di hindi! 

Pagkadating namin sa townhouse, dumiretso ako sa bahay namin. Habang sinususian ko yung bahay namin, may humila sa akin.

"Ano?" 

"Your parents aren't home. Sa bahay ka muna," Sabi niya.

"Tapos ano? Aalagaan mo ako? No. Kaya ko naman sarili ko. Ako pa ba?" Tinulak ko siya pero para akong jelly fish. Ang lambot.

"Nasa bahay si Mama. Aalagaan ka niya," Sabi niya. Ayoko. Oo, makapal mukha ko pero pag kay Tita Ry ako hihingi ng tulong, nahihiya ako. Siguro dahil sobrang dami na nilang naitulong sa amin. Sobra na, sobra pa.

"Hindi na nga, ang kulit!" Tumalikod na ako pero pagkatalikod ko, binuhat niya ako. Yung parang sa kinakasal. 

"Putangina, ibaba mo ako. Kadiri ka!" Nag pumiglas ako. Kung wala lang akong sakit, nabatukan ko na 'to pero dahil nanghihina ako, wala akong laban. Bad trip! Pumasok siya sa loob ng bahay nila. Binuksan na pala niya yung pinto kanina pa. Alam niya sigurong hindi ako papayag na sumama sa kanya. Buti alam niya!

Hiniga niya ako sa may sofa, "Stay there." Sabi niya.

Umakyat siya sa taas. Pagbaba niya, kasama na niya si Tita Ry na nagpapanic. Mamamatay na ba ako? 

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon