NA

63.5K 1.4K 138
                                    

3RD PERSON'S POV

Ilang araw na lang, finals na nila Tyrone sa basketball. Ilang araw na din niyang sinusundan si Zeah. Pagkatapos ng basketball practice, saktong 5 minutes lang siyang maliligo at pupunta na agad sa bahay o condo ng mga tinuturan ni Zeah.

"Mauuna na ko, pre," Sabi niya. Nag nod lang si Ethan na nag-lalakad papuntang bleachers dahil nandoon si Louisse.

"Take care of Zeah, please," Louisse smiled.

Ngumiti si Tyrone, "Kahit lagi niya akong sinasaktan?"

She nodded.

"Kahit lagi niya akong tinataboy?" 

She nodded.

"Kahit ang sungit niya palagi?"

She nodded, again. Tumawa si Tyrone, "Sige na. Alis na ko, ingat." Sabi niya kila Ethan at Louisse tapos umalis na siya. Biro lang naman ni Tyrone yung mga tanong niya kanina dahil kahit hindi naman sabihin ni Louisse na alagaan niya si Zeah, he will always take care of her.

Nag taxi na siya papunta sa condo ng pangalawang Koreano na tinuturan ni Zeah. Hindi niya kasi naaabutan yung una. Saktong pagbaba niya sa taxi, lumabas naman si Zeah kaya nagpahintay na siya sa taxi at tinawag na si Zeah.

"Sumakay ka na," Sabi ni Tyrone, hawak hawak yung pinto. Nagpaalam si Zeah sa Koreano at mabilis na sumakay sa taxi. Ililibre naman siya ni Tyrone kaya masaya siya.

"Puro lalaki lang ba ang mga Koreans sa Pilipinas?" Tanong ni Tyrone, nakasandal yung ulo niya sa bintana since napagod siya sa practice nila.

"Nangga-gago ka na naman ba?" Nakasandal naman si Zeah sa left window. Pagod din siya sa pagaasikaso ng online shop niya at kakaturo sa mga Koreano. Idagdag pa yung acads niya at pagpapractice niya ng ballet every weekend. 

"No, I'm serious," He replied. Puro na lang kasi lalaki ang nagpapatutor kay Zeah. 

"Pati ba naman Koreano?! Seryoso ka?" She rolled her eyes.

Hindi nag-salita si Tyrone. After ilang minutes, nakarating na sila sa third and last Korean na tuturuan ni Zeah. Pinapasok na ng Koreano si Zeah at kahit hindi pinapapasok, pumasok pa din si Tyrone. Nasa study table sila at si Tyrone naman, nakaupo sa sofa at papalit palit ng pwesto. Sobrang feel at home.

"Yeppuda," Biglang sinabi ng Koreano.

"Ha?" 

"You're pretty... Pretty in Korean is yeppuda," The Korean laughed. 

Napabangon si Tyrone sa pagkaupo niya at nakita yung dalawa, 'Sira ulong Koreano 'to.' He thought. Napatingin si Zeah kay Tyrone na nakatingin sa kanila, and she glared at him.

"Thank you," Zeah smiled at the Korean. Kailangan niyang magpakabait sa Koreano dahil kailangan niya 'yun para kumita ng pera.

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon