FOUR

105K 1.8K 140
                                    

TYRONE'S POV

"Sige na, ma. Kausapin mo na yung tibo na yun."

"Don't call her tibo! Paano pag tinawag ka niyang bakla? Hindi ka ba masasaktan?" Sabi ni mama. Masyado kasi 'tong mabait. Hindi ko nga alam kung saan ako nagmana eh. Si Papa naman mabait din minsan pero mas strict siya kay mama. 

"Ma, sige na. Kausapin mo na si Zeah! Malakas ka doon eh."

"Okay," Sabi sa inyo mabait si mama eh. "Pero in one condition..."

Ang mga babae ba, mahilig talaga sa mga kapalit? Pag magrerequest ba kaming mga lalaki, kailangan ba talaga may irerequest din sila? Kailangan ba talaga nalalamangan nila kami? Hindi ko maintindihan na kami pang mga lalaki ang sinasabihan nilang mataas ang pride kung in the first place, kahit gustuhin man namin na kami ang masunod, wala na din naman kaming magagawa pag sila ang nag-utos o nag-sabi. Tsk tsk. 

"Ano?" Tanong ko. Wala na din naman akong magagawa. Ito lang ang paraan para pumayag yung siga na yun na tulungan ako. Madami naman akong kaibigan eh, wala lang talaga silang kwentang lahat. 

"No more greenslips, please lang anak. Para sa'yo din naman 'to eh. Ganito ah? Matulog ka ng maaga para magising ka ng maaga! Hindi yung sa class ka natutulog," She sighed. My mom's a good parent. Gago lang talaga ako kasi gago yung mga tao sa paligid ko. Sa mundong 'to, konting konti na lang pwede mong pagkatiwalaan. And my mom's one of them. Ako? Naah, nevermind. 

"Eh sa nakakaantok mag lecture teacher namin eh. Isa pa ma, naging highschool naman kayo ni Papa. For sure, nakakakuha din kay-"

"FYI, mabait kaming estudyante. We were responsible," Sabi niya. Ayan, kaya madalas akong i-compare sa parents ko eh kasi lawyer at doctor sila. Kasi maganda't gwapo, mabait, matalino, at talented sila. Eh ako? Kabaliktaran ng lahat ng traits na meron sila. Hindi rin ako gwapo at walang nagkakagusto sa akin. Ang talent ko lang din naman ay sumayaw at manlibre ng mga walang hiya kong kaibigan.

"Oo na, kayo na hindi nakakakuha ng greenslips. Sige na ma," I hugged her. 

Kumunot noo niya, "Oo na oo na. Sige na kakausapin ko na daughter-in-law ko," Tiningnan ko siya at para siyang kinikilig. 

Inalis ko pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ng seryoso, "Ma, four words: Asa. Ka. Pa. Bye," At umakyat na nga ako sa taas. Gustung gusto niya kasi kay Zeah, ewan ko ba. Bad trip lang eh.

Alzeah's POV

Pag dating ko sa school, kinausap agad ako ni tita Ry para tulungan si Tyrone. Ughhh, kainis naman si Tyroneee. Alam niya weakness ko! Wala nga pala si daddy sa bahay kasi nasa work. Si mommy, wala din sa bahay kasi ewan ko, hindi ko alam.

"Sige na, anak. Tulungan mo na si Tyrone," Sabi ni Tita Rylie. Pati ba naman si Tita Ry ginamit ni Tyrone? Walang hiya talaga yung lalaking yun! 

"Tita, alam niyo po ba kung ano yung gusto niyang ipa-tulong?" For sure hindi alam ni Tita kasi kung alam niyang revenge gagawin namin, hindi talaga siya papayag.

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon