1

72.8K 1.5K 113
                                    

(A/N: MAY FACEBOOK NA SI ALZEAH MARIE CONSTANTINO! 

Here's the link:

http://www.facebook.com/profile.php?id=100008334973457&fref=nf

or click the external link on the right side. Thank you for reading!)

That night, alam ko lahat ng mga ginawa niya at narinig ko lahat ng mga sinabi niya. Anak ng tucha! Noong sinabi niyang lalayo na siya, pinili ko na rin lumayo. Pero kahit anong layo naming dalawa, hindi pwede! Pusang gala! Partners kami sa halos lahat ng activities at subjects. Buti na lang, tapos na yung ballroom dancing sa PE. Ngayong 2nd quarter, soccer naman. Sa huli, maglalaban lahat ng sections. Kung sinong section ang champion, exempted sa written exam. Gags lang, diba?! PE tapos WRITTEN EXAM? Yung totoo?!

Nasa soccer field nga pala kami ngayon at naghahanda na kami ngayon mag-laro...

"Alzeah, pwede ba tayo mag-usap?" Si Kalie. Ang init na nga, lalo pa niyang pinapainit ulo ko. Jusko! Bakit ba may mga taong makita mo lang ang mukha, naiinis ka na, nababadtrip ka pa?!

"Anong kailangan mo?" I raised a brow. 

"Let's talk, yung tayong dalawa lang," Sabi niya. "Please?"

Sa lahat ng pinakaayoko, yung nagbabait-baitan eh alam naman nating lahat na siya si bruhang maldita. Si Synthia naman, si santa santita. Nakakaburat talaga yung mga ugali nila! At least ako, aminado akong masama ako. Eh sila? Nasa loob ang kulo. Sipain ko sila eh.

"Sabihin mo na dito. Baka mamaya, ipa-kidnap mo pa ko eh. Mayaman ka, diba?"

"Gusto ko lang naman mag sorry..."

Tinasaan ko ulit siya ng kilay. Anong nakain nito?

"Gusto ko lang mag sorry, dahil sa akin nilayuan ka ni Tyrone. I wanna apologize kasi iniiwasan ka niya ngayon. At oo nga pala, sorry kasi ako ang top 1 ng buong batch. Thank you din for giving me a chance na maging top 1 and be friends with Tyrone. I wouldn't make it without you. Sige ha, una na ko," She smiled and winked tapos umalis na at pumunta kay Tyrone.

Nilalandi niya yung gunggong eh hindi nga siya pinapansin. Hahahaha! Sila Ethan at Tyrone nga pala ang madalas na magkasama recently. Ewan ko ba, hindi ko naman tinatanong, pero lagi akong updated sa nangyayari sa buhay nilang dalawa dahil kay Louisse. Puchini! 

Speaking of gunggong, hindi ako makapaniwalang may groupie na siya! May fan page siya sa Facebook at may mga stalkers na din! Eh di siya na cool. Hindi nga pala siya nasama sa top 10 pero nasama naman siya sa top 20. Si Ethan, nasama siya sa top 10 ng class. Sabi na nga ba tamad lang sila eh. Si Louisse naman, top 2 ng buong batch at ako yung top 3. Kahit hindi pinapakita ng mga magulang ko, alam kong disappointed sila sa mga nangyari sa akin.

Kaya nga ngayon, nagbabalik si Alzeah Marie Constantino! Matapang, maganda, at matalino. Oo, babawiin ko ang aking korona!

"That bitch," Sabi ni Louisse kaya natawa ako.

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon