TWENTY

82.4K 1.5K 85
                                    

Nag alarm na yung phone ko. Since my number na ako ni Tyrone, tinatawagan ko na lang siya ng ilang beses para gisingin siya. Pag hindi pa siya nagising, saka ko siya pinupuntahan sa bahay nila. Mahirap ng ma-late. Nakakasira kaya sa behavior ang green slip at detention.  In fairness naman, hindi na siya nagpupuyat masyado except na lang if may homework na mahirap. Sus, eh kulang na lang ipasagot niya sa akin lahat!

Oo nga pala, pinahirapan ko siya kahapon. Noong hapon, gumawa kami ng homework and projects namin. Bago ko din sa kanya pasagutan yung mga worksheets, pinagreview ko muna siya ng ilang minutes. Hindi nga kami natapos kaya kagabi, tinuloy namin yun sa balcony ko. Nag review na din kami for UPCAT. Madami naman akong nahingi kay Ma'am Sunshine na reviewers. As in sobrang dami! Sabi naman sa inyo, favorite ako ng adviser namin eh. Haha!

Pag dating namin ni Tyrone sa school, oo, sabay na kaming pumapasok, wala pang masyadong tao. Antok na antok nga siya.

He yawned.

"Nag-laro ka ba ng x-box?" Tanong ko.

"Pag inaantok, nag-laro agad ng x-box?"

Natawa ako, "Ayan! Kaya ka napagkakamalang bakla. Hahahahaha! Tibo pala ah?!"

"Bakla? Gusto mo masample-an?" Tiningnan niya akong mabuti. 

Tinulak ko siya, "Pucha! Umayos ka. Hindi bagay." Lumunok ako. 

"Sabi mo eh," Sabi niya sabay ngiti at inunahan na ako mag-lakas. BASTOS! In fairness, napansin kong may mga laman na din yung bag niya. Mukhang ang bigat na nga eh. Improving!

Ilang oras lang, padami na ng padami yung mga tao hanggang sa nag start na ang klase. Nagulat nga ako kasi late sila Ethan at Louisse. Ano kayang ginawa ng dalawang 'to? Kailangan kong kausapin si Louisse. Aba, kahit ganyan si Ethan, madaming nagkakagusto diyan. Baka galawin niya yung babaeng 'yon. Teka, wala akong pake! Ano bang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw? Napapansin ko din na masyado na ata akong napapasama sa mga pranksters na 'yon.

"Nandiyan na pala best friend mo e. Don't worry too much," Sabi ni Tyrone.

"Wala akong best friend," Sabi ko.

"Sabi mo eh," Sabi na naman niya. Kanina pa siya sabi ko ng sabi ko eh halata namang sarcastic. Hindi pala ulit pumasok si Miggy. Na-trauma siguro sa ginawa sa kanya ni Kalie kahapon.

Noong Snacks na, kaming dalawa lang ni Tyrone mag kasama. May gagawin pa daw sila Louisse at Ethan. 

"Kayo na ba?" Tanong ko.

Umiling iling naman si Louisse. 

"Okay," Sabi ko dahil wala naman akong pake dapat.

Pagkakita ko sa canteen, "SHET!!!" Tumakbo ako. Naglalaway na ako. Nakakita ako ng mangga! Ang saraaaaap. Shet! With asin na may sili pa. OMG lang.

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon