B

58.7K 1.2K 83
                                    

Lumabas ako ng munting gate namin at nakita ko agad si Luigi na nakasandal sa malaking gate nila. What the fck, muntanga talaga 'to. Muntanga na nga, muntimang pa. Sobrang nakakairita dahil every morning siyang ganyan. Hindi ako tanga para hindi ko mapansin na hinihintay niya akong lumabas, at minsan, pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko lang gets kung para saan. Hindi ko rin gets kung bakit siya ganyan.

"Ako ba talaga, ginagago mo o ginagago mo?"

"Wooow, easy!" He said, raising both of his arms. "Sabay na tayo, on the way naman school niyo. Mas malayo lang yung sa amin ng konti."

Kung dati, makapal ang mukha ko para sumabay. Ngayon, hindi. Hindi kasi makakapagtiwalaan yung mga taong ganito lalo na kung ang mukha niya, parang nanloloko lagi. Kung si Tyrone lang 'to, kahit ayaw niya, sasabay ako para makatipid. Pero kung si Luigi? Thanks, but no thanks.

Pagkarating ko sa school, sinalubong ako ni Louisse na mukhang namomroblema na naman. Grabe, love life na naman ba? Nakakaumay na. Nasa bench kami ngayon sa may corridor ng building namin. I asked her kung anong nangyari at nakalimutan pala ni Ethan na birthday niya noong January 3. She avoided him, pero sa pag-iwas niya, umiwas na rin si Ethan.

"So hindi alam ni Ethan na galit ka sa kanya dahil nakalimutan niya birthday mo?"

She nodded, "Magsosorry na ba ako? Alam kong kasalanan ko kaya-"

Binatukan ko siya, "Gaga ka ba? Hindi mo kailangan mag sorry, pero puta, bakit hindi mo sinabi yung dahilan? Ano tingin mo sa kanya, manghuhula?"

"Kaya nga gusto ko mag sorry..."

I sighed, and left her there. Pumunta ako sa room at nakita ko si Ethan sa likod na katabi si Tyrone. Mukhang may pinagkikwentuhan sila at ang saya saya pa nila when I interrupted.

"Hoy, Ethan. Alam mo bang birthday ni Louisse noong January 3? Anong klaseng boyfriend ka? Ineffortan ka niya noong birthday mo tapos noong 3, hindi mo man lang siya pinuntahan?"

Iniwan ko siyang nakatulala doon at gulat saka ako umupo sa upuan ko sa harap. Dumating si Louisse sa room at tumabi siya sa akin without looking at anyone, but me.

"Ba't mo sinabi?" She whispered pagkaupo niya. Nakikinig pala ang gaga.

"Ayaw mo sabihin eh. Kailan pa 'to matatapos kung wala kang balak sabihin yung dahilan kung ba't ka nagkakaganyan? Gaga ka talaga."

"Bakit hindi mo sinabi kay Tyrone na lumipat na kayo?" She asked back, pero mahinhin pa rin. Although alam mong may laman.

"Pake mo ba," Sagot ko. Truth is, I just hate goodbyes.

Noong snacks at lunch, magkakasabay kami nila Louisse, Summer, Coby, at Storm, pero sila Ethan at Tyrone, nag solo. Malapit na mag dismissal when I went outside dahil may nagpapatawag daw sa akin. Pag-labas ko, it was a stranger.

"Hi po. Sabi po ni Kuya Tyrone palabasin ko daw po kayo. Sorry po," Sabi noong babae at tumakbo na. Hala siya! I was about to go inside kaso hinarangan ako ni Tyrone. Ano bang trip niya?

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon