TEN

88.4K 1.5K 124
                                    

Friday na! Hindi na kami nag exercise ni Tyrone dahil parehas kaming pagod kagabi. Though ginising ko pa din siya kaninang maga. Ughh, pasaway! Sana naman nag-basa basa nga siya ng libro, diba? Kasi kung hindi siya nagbasa, bakit pala siya napuyat?

"Nagbasa ka ba ng libro kagabi?" Tanong ko habang nasa car nila kami.

"Medyo, nakakatamad eh. Nakatulog agad ako."

I sighed, "Okay. At least nag basa. Saan mo pala nakuha number ko?"

"Binigay ng nanay ko number mo."

Pagkadating namin sa LRT, ang haba sobra ng pila! Sobrang OA, lalo na sa women's side. Bakit ganito? Nasstress ako!!!

"Sa men's side na kaya ako?" Suggest ko. 

"Tibo ka naman kasi talaga."

"Sira ulo. Bahala ka diyan, doon na ako sa women's," Sabi ko at umalis. Narinig ko pa siya na medyo tumawa. Gunggong talaga, walang galang!

Pagkadating ko sa women's, wala talagang pag-asa. Paano ba 'to? Mag kunwari kaya akong buntis? Pwede naman, diba? Hindi naman ako sobrang payat and medyo maluwang din uniform ko.

Kahit nakauniform naman ako, pwede naman mabuntis ang highschool student. Hmm...

Pumunta ako sa side ng para sa mga buntis lang at may kapansanan...

"Ma'am, bawal kayo diyan."

"Kuya, buntis po ako. Hindi po ba halata?" Umarte ako na parang nahihilo.

"Ah, ganoon po ba? Sorry, ma'am."

Kaya nga pagkadating ng train, sumakay na ako. Though hindi na ako umupo kasi nakakahiya naman sa mga senior citizens, buntis, at may sakit talaga. Dahan dahan na lang akong lumipat sa women's side. Kasya naman eh. Ang problema kasi sa mga tao, maluwang naman sa gitna pero ayaw umusog. Ang nangyayari tuloy, sumisikip sa harap at konti lang nakakasakay. #LRTissues

Pag dating ko sa room, wala pa din si Tyrone. Siguro hindi pa siya nakakasakay ng LRT. 

"Where's Mr. Dela Cruz?" Ma'am Sunshine asked then she looked at me.

"Wala pa daw po," Sagot ko. 

Tumango na lang si Ma'am. Bakit naman niya hinahanap yung gunggong na yun?

2nd subject na pero wala pa din si Tyrone. Oh damn, ano na ba nangyari doon?! 

Noong malapit na mag snacks time, may dumating na dalawang estudyante...

Sila Kalie at Tyrone. 

Nag smirk lang si Kalie sa akin, pero si Tyrone, tuluy-tuloy lang at dumiretso sa tabi ko, "Ganoon ba katagal makasakay sa LRT? Buti na lang pala hindi ako nag punta sa men's side." I saracastically said. 

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon