HA

76.7K 1.5K 252
                                    

It's been 3 weeks and Tyrone's still 'courting' me... and my parents. Kadiri, sarap sumuka! Hindi ko alam kung anong ginawa niya, but he forced Kalie and her friends to apologize to me, and they did. Pero halatang halata na labas sa ilong yung 'sorry' nila. Synthia and her friends apologized to me, as well.

Sa lahat, si Synthia lang ang sa tingin kong sincere, pero yung mga hampaslupang kaibigan niya? Ang sarap pagsasabunutan! Hindi ko naman kailangan ng sorry nila dahil in the first place, wala naman akong pakielam sa kanila. Wag lang ulit nila akong gagalawin dahil wala akong ginagawa sa kanila. Kasalanan ko ba na masyado silang insecure sa akin?

Tapos na nga din pala yung audition ko for Cinderella prod last Saturday. Hindi ko inakalang nagbaballet din pala si Kalie. Oo, nandoon ang walang hiya. Mabuti nga't hindi na niya ako pinapansin. Gusto ko mag concentrate, please lang. 

Last Friday naman, day bago mag audition, binigyan ako ni Louisse ng silver good luck charm... 

"Alam ko naman na magaling ka kahit di pa kita nakikita mag ballet, pero I just want to give you this. Hehe. Pampaswerte," Sabi ni Louisse pagkabigay niya sa akin ng charm. Naniniwala pala yun sa mga spells. Aba matindi! Dinamay pa ako. 

Kung si Louisse, lucky charm ang binigay sa akin, si Tyrone naman, cards. In fairness naman, sobrang helpful ng cards na binigay niya.

"Secrets of Super Performers?" Sabi ko."And how to do well in a ballet audition?"

"Yeah, you might need those. Just be yourself, Zeah. I'm sure they'll like you. Sabi sa internet, judges like dancers who are genuine. Also, you have to rest and eat well. Warm up before your performance tomorrow."

"Oh-kay?'

"Sleep early. I'll be watching you later," He said. Oo, mas kinakabahan pa siya sa akin. Sobrang paranoid niya. He told me to relax, pero siya naman 'tong todo bantay sa bawat kilos ko. Tatay lang? 

Noong gabi na, pumunta siya sa room ko ng mga 7 PM. Naabutan niya akong nakadapa sa kama ko na may laptop, notebook, at ballpen. Nagaadvance study kasi ako sa Calculus. Alam niyo ba kung anong ginawa ng hayop?! Kinuha niya yung laptop at notebook ko sa kama at yung ballpen ko sa kamay ko tapos pinilit niya akong humiga at matulog. 

"Punyeta, ang aga pa eh!" 

"Sleep," He said, nakaupo sa chair ko sa may study table at binantayan ako. Tuwing ididilat ko mga mata ko para i-check kung nandiyan pa siya, he would glare at me hanggang sa sinabihan niya akong...

"Pag hindi ka pa natulog, hindi mo magugustuhan gagawin ko... o pwede rin namang magustuhan mo?" He grinned. "I'm serious, Alzeah Marie." He said, with a serious face. Kaya nga nag decide ako na pilitin yung sarili kong matulog kahit 7 PM pa lang. Pucha! Buti na lang at madami akong nakain. Hindi ako bubulabugin ng tiyan ko sa pag tulog ko.

The next day, before the audition, nasira pa yung ballet shoes ko. Sakto naman na kagagaling lang ni Tyrone sa basketball practice kaya nagpahatid kami kay Kuya Robin sa mall at sinamahan niya akong bumili ng ballet shoes. Hinatid niya ako papunta sa venue kung saan magau-audition kaya wala akong choice kung hindi hayaan siyang panoorin akong mag perform.

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon