TWO

111K 2K 213
                                    

Tyrone's sleeping. What's new? Kaya siya bumabagsak eh. Saan kaya 'to nag mana? Anak kaya talaga siya ni tita Rylie at tito Justin? 

"Tyrone James Dela Cruz! Green slip!" Sabi ni Ma'am Sunshine. Uh-oh, nakarecieve na naman siya ng green slip. Detention na naman siya for sleeping again and again and again in class. 

Snacks time! Umalis na agad ako sa room. For sure kasi, pagkakaguluhan yung transferee. Ayoko madamay kaya mas okay pang umalis na lang. Nakita ko naman si Tyrone na naglalakad. Papunta na ata siya sa detention office.

"Tyrone!" I called him pero hindi niya ako pinapansin.

"Hoy, Tyrone James!" Sumigaw ako kaya tumahimik at napahinto lahat. Napahinto naman siya tapos hinatak ako sa isang gilid, yung walang masyadong dumadaan.

"Pwede ba? Act like you don't know me."

"Ano ba kasing problema mo? Sus. Ikaw ah, nakita ko yung tingin mo sa babae kanina. Type mo, no? Gusto mo pakilala kita?" Tinaas taas ko yung dalawang kilay ko pero yung mukha ni Tyrone, mukhang nandidiri.

Ewan ko ba dito kay Tyrone. I'm trying to be extra nice to him kasi sobrang bait sa akin ng parents plus friends din parents naming dalawa pero parang di ko na yata kaya. He's being extra sungit to me eh hindi naman siya masungit sa ibang tao. Nakakainis! Hindi pa rin niya kasi makalimutan yung nangyari dati eh hindi ko naman kasi yun sinasadya. 

"Mahal mo pa din ba siya?" I asked while lowering my head. Fine, nagguilty na naman ako.

Hindi siya tumitingin sa akin, "What do you think?" 

"Ang arte naman nito. Kung gusto mo siya i-pursue ulit, hindi pa naman huli ang lahat. Look, hindi ko naman kasi talaga sinasadya na mahalikan ka noong time na sasagutin ka na niya e. Hindi ko lang talaga alam na nilagyan ng mga malalandi ng alak yung juice na iniinom ko."

"Matagal na na yun. Magmumukha lang ako pathetic kung babalikan ko siya. It's been 2 years tapos ngayon ko pa siya babalikan? Timang ka talaga."

Tangina nito. Siya na nga tinutulungan tapos ako pa pagsasabihan ng timang, "Mas magmumukha kang pathetic kung forever ma-pride at torpe ka. Ang problema kasi sa'yo, masyado kang weak eh. Basta ako na bahala at pumunta ka na sa detention. Aral aral din kasi pag may time. Tingnan mo sila tito Justin at-" Umalis na siya kahit di pa tapos sinasabi ko. Ganito kaya kasungit si tito Justin noong highschool? 

Ako nga pala si Alzeah Marie Constantino, madiskarte at makapal ang mukha. Naniniwala kasi ako na pag makapal ang mukha mo, kahit wala kang talent, aasenso ka. Promise! Pero grabe, may talents and skills naman ako no. Yun nga lang, wala akong bestfriend. Dati meron pero nawala dahil sa isang incident. Tsk.

"Zea! Zea!" Paglingon ko, nakita ko si Kalie.

"Bakit?" Tanong ko.

"Uhmm, wala lang. Snacks?" She smiled.

"Naaah, I'm full. Ikaw na lang, kaya mo na yan," Sabi ko at umalis na. Kung si Tyrone, sa akin lang masungit. Ako naman, kay Tyrone lang mabait. Don't get me wrong, wala talaga akong gusto sa kanya. It's just that... malaki ang utang na loob ng family namin sa family niya. And yes, siya yung sinasabi kong bestfriend na nawala dahil sa isang incident.

"Nakita mo ba si Synthia?" Tanong ko sa isang lalaki na hindi ko kilala pero mukhang galing sa ibang section which is yung section nila Synthia. 

"Nasa loob, puntahan mo na lang," Sabi niya kaya nag thank you ako at pumasok na sa loob. Pag pasok na pag pasok ko pa lang sa room nila, ang sama na agad ng tingin sa akin ng mga kaibigan ni Synthia. Mabait naman si Synthia eh, pero ewan ko ba kung ano nangyari. Naimpluwensiyahan ng mga maldita.

"Synthia, can I talk to you?" I asked.

"No," Sabay sabay nilang sinabi.

"Nevermind. Gusto ko lang naman sabihin sa mga kaibigan mo na umayos sila at wag silang pakielamera kung ayaw nilang mawalan ng buhok. And as for you, gusto ko lang malaman mo na noong araw na nakita mo kami ni Tyrone na naghahalikan, lasing ako nun. Your stupid friends put an alchohol on my drink. Kaya kung ako sa'yo, wag ka ng magpakipot pa at balikan mo na siya."

Pagkatapos kong sabihin yun, umalis na ako ng room nila at bumalik sa room namin. Pagkatapos ng class, kinausap na naman ako ni Kalie. 

"Uuwi ka na?" 

I nodded, "Bakit?"

"Wala lang. Gusto mo sabay na tayo? Parehas naman tayong mage-LRT, diba?" 

"Hindi na, kaya mo na yan. Bye!" Umalis na ako at nag-lakad. Nasaan na si Tyrone?! Kailangan kong sabihin sa kanya na nasabi ko na yung totoo kay Synthia. Habang naglalakad ako sa corridor, may narinig akong nag-uusap sa parang bodega ng school. Hindi naman ako chismosa pero kilala ko kasi yung nagsasalita...

"Stop, TJ!" She said, "I was the one who planned everything. I asked my friends to put an alcohol on her juice. Sabi ng friends ko sa kanya, kung matapang talaga siya, hahalikan ka niya. Gumagawa lang talaga ako ng way para lumayo sa'yo. Alam mo kung bakit? 'Cause your dumb! Lawyer nga daddy mo, doctor nga mommy mo. Pero ikaw? Ano ka? Top 1 ka sa huli! Patapon ka!"

"Why didn't you just tell me? Bakit kailangan mo pa yun gawin?"

"Dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo na hindi talaga kita gusto. Pumayag lang naman ako dahil kay Alzeah. Masyado kasing mapilit."

Nakarinig ako ng malakas na sound. Parang may sumuntok ng pader...

"Tama na, TJ! Aalis na ako dito at pag-alis ko dito, sana... sana tigilan mo na ako," Sabi ni Synthia at lumabas na ng pinto. Hindi naman niya ako nakita kasi nasa kabila akong side. Pag bukas niya ng pinto, naharangan ako nito. 

Pumasok naman ako sa loob...

"Okay ka lang?" Tanong ko. 

Nakatulala lang siya tapos tinitigan ko yung kamay niya, it's bleeding.

Hahawakan ko na sana pero iniwasan niya yung kamay ko, "Zea."

"Oh?" Sabi ko without feelings.

"Help me... Help me get revenge. I'll do anything."

Tinitigan ko ulit yung kamay niya, he was clenching his both fists at sa nakikita ko, gigil na gigil na siya. Tsk. Kawawang bata.

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon