TWENTY THREE

79.6K 1.5K 354
                                    

Sunday na ng gabi, pero hindi pa rin kami nag-uusap ni Tyrone. Hindi naman sa hinahanap ko siya pero nakakapanibago lang. Oo nga pala, hindi na kami awkward simula noong sabihin niyang niloloko lang niya ako.

*FLASHBACK*

"About earlier..." Nasa taxi kami pauwi. Sobrang awkward!

"ANO?" Hindi ako nakatingin sa kanya.

"I was only kidding."

"DAPAT LANG NO, DAPAT LANG!" Sabi ko na nga ba! Sinabi lang niya 'yon para tumigil ako mag mura. Pwes, hindi ako magbabago para sa kanya. Boom panes! Pero pag nanalo siya sa deal namin...

Nevermind.

*END OF THE FLASHBACK*

Umupo ako sa kama at kinuha ko yung palakang stuffed toy na napalanunan ni Tyrone sa Playland in Fishermall. Tinitigan ko siyang mabuti, "Tangina, magkamukhang magkamukha kayo ng amo mo, alam mo ba 'yon? Sige, titig pa more!!!"

Tinitigan ko pa siya lalo, "Hindi ka ba magsasalita?! Sagutin mo nga ako... Bakit kahit umamin na siyang hindi yun totoo at kahit hindi na dapat kami awkward, feeling ko pag nakita ko siya, awkward ako sa kanya. Hindi naman kami ganito dati, diba?! DIBA? SAGUTIN MO AKOOOO!"

Hindi nag tagal, may tumunog na naman sa balcony. Pagkakita ko, si Tyrone na naman. Ano ba 'to! Feeling superman na nga, feeling spiderman pa. Sisipain ko na 'to eh. Shet, bukas pala door ko sa balcony. Shet, narinig kaya niya?! Shet shet shet, tangina naman!

"May problema ba?" Tanong niya.

"Huh? Anong problema?" Okay, hindi niya narinig. Good, good.

"You were shouting."

"Uy di ah, baka naghahallucinate ka lang. Sige na, bumalik ka na doon."

"Weirdo," Sabi niya. Grabe, ako pa weird? Sino ba yung basta basta na lang tumatalon sa balcony ng may balcony?! Hayooop.

"Anak ng pustpa, umalis ka na nga!" Ibabato ko sana sa kanya yung palaka pero baka kasi madumihan. Napatingin siya sa hawak ko.

"You still keep that, huh?"

"So?" I raised a brow. "Ito ang binubugbog ko pag asar na asar na ako sa'yo."

 He chuckled, "Iba ka talaga." He winked. Putragis!

Binaba ko yung palaka at binato ko yung unan kong malaki sa kanya, "UMALIS KA NGA!" Buti na lang, mag-isa ako sa bahay at wala pa sila mommy. 

He just shrugged and shoulders. Bago pa siya mawala sa paningin yun sa paningin ko, nakita ko pa siyang ngumiti. Tanginaaaaa! In love na talaga siya sa akin. Bakit kasi ang ganda ganda ko talaga eh. Hahahahahaha ha ha ha putangina di na nakakatuwa.

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon