EIGHT

92.5K 1.7K 73
                                    

Hindi ko talaga alam kung bakit ang gulo ng araw na 'to. Mas gugustuhin ko pang awayin na lang si Tyrone kesa makita yung mga asungot na nakita ngayong araw lalo na si Kurt.

"Kurt, tigilan mo na nga ako. Diba nga sabi ko, ayoko ng buhay pag-ibig. Madami pa akong kailangan i-prioritize. Pag nawala yung scholarship ko dahil sa buhay pag-ibig na yan-" I shook my head, "No. Hindi talaga. Ayoko."

"Ayaw mo pa o baka hinihintay mo lang talaga yung lalaki na yun?"

"What?! At sinong lalaki naman yan?!" Nilagay ko kamay ko sa waist ko. 

"Sino pa ba? Yung bobong lalaki na nagpapakatanga sa iba?" 

Sinapak ko siya, "Eh put*ng!n@ mo pala, e! Ano bang hindi mo naiintindihan sa ayoko pa ng lovelife, boyfriend, jowa, shota, at kung anu ano pang tawag doon?! Bakit kailangan mo pa mandamay ng ibang tao? Puta ka, layuan mo ko!" I pushed him and walked away.

"Maghihintay ako, Marie. Maghihintay ako," Sabi niya kaya napalingon ako.

"ISA PANG MARIE MO PUPUTULAN NA KITA NG DILA!" 

Bago pa ako makaalis, nakita ko si Tyrone sa likod ko at nag smirk. 

"Anong tinitingin tingin mo diyan?! GUNGGONG KA TALAGA!" Sabi ko kay Tyrone at umalis na. Bwisit bwisit bwisit. Nahahighblood ako, bakit ganito?! Ito hirap sa walang kaibigan eh. Walang mapaglabasan ng galit. Si Tyrone? Kaibigan ko siya pero isa din siya sa mga dahilan kung bakit nahahighblood ako. May tawag sa amin eh. Frenemies. Friends and enemies at the same time. Tama, yun kaming dalawa.

"Uy Zeah, kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Sunshine. Saan ka ba nagpupupunta?" Sabi ni Louisse, classmate ko. Oo nga pala, si Louisse yung president ng klase namin pero ako ata paborito ni Ma'am. Hindi ko din alam kung bakit eh hamak naman na mas mahinhin si Louisse sa akin. Top 2 nga pala siya ng batch namin.

"Sa impyerno, bakit?" Sagot ko sa kanya. Sorry na, ganito lang talaga ako pag bad trip, damay lahat ng tao. 

"Zeah naman eh. Palabiro ko talaga," Medyo natawa siya ng konti.

"Mukha ba akong nagbibiro?!" Tinuro ko yung mukha ko, "Yung mukha kong 'to, mukha ba akong magbibiro?!" Inulit ko at inemphasize na hindi talaga ako nagbibiro. 

"U-uy grabe, init ng ulo eh. Chill ka lang..."

"Stop telling me to chill when my day's super fucked up already!"

Sa lahat ng ayaw ko, yung sinasabihan akong kumalma o mag chill. Alam mo yung feeling na ang sama sama na ng araw mo tapos sasabihan ka pang kumalma? EH DI LALO KANG HINDI NAKAKALMA SA SOBRANG BAD TRIP?!

"H-ha? Sige, punta ka na sa office ni Ma'am. Hinahanap ka na niya kasi talaga kanina pa. Sige sige, una na ko."

Alam niyo na kung bakit ako kaibigan. Hindi ko nga alam kung takot lang ba talaga sila sa akin o naiintimidate lang sila sa pagkadiyosa ko. Tsk tsk. 

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon