Epilogue

20.9K 226 13
                                    


Hindi maganda ang pakiramdam ni Maru nang nakaraang mga araw at masama ang kutob niya. She had been through this before, just roughly a year ago.

Kaya nang magising siya ay kaagad siyang pumasok sa loob ng banyo. Kinuha niya sa loob ng First-aid Cabinet ang Pregnancy Test Kit na pinabili niya sa isa nilang katiwala kahapon.

Ginamit niya ang kit. At ganoon na lamang ang panghihina niya nang makumpirma ang hinala. She was pregnant. Again.

Hindi maipinta ang pagmumukha niya nang lumabas siya ng banyo. Natutulog pa ang asawa niya kanina nang magising siya at pumasok sa loob ng banyo pero wala na ito sa kama.

Tiyak ang mga hakbang na tinungo niya ang adjacent room. And he was there, changing the diaper of their three months old baby on the bed.

Napahugot siya nang malalim na buntong-hininga bago lumapit kay Benjamin. "Basa na ba?" tanong niya rito. She was referring to the baby's diaper.

Nilingon siya nito. "Hindi naman," sagot nito sa kanya. "But I just want to make sure that our little princess is comfortable while she sleeps." He fastened the baby's diaper and he was done.

"Magastos ka sa diaper, Benjamin," naiiling na wika niya. "I just changed Chloe's diaper a few hours ago."

He carried the still sleeping baby and put her back in her crib. "Okay lang 'yan," nilingon siya nito nang maayos na mailagay ang anak nila sa crib. "I don't want our princess to get rashes due to wet diapers. Napaka-sensitive pa naman ng balat."

Napaingos na lamang siya. Malakas ang kutob niyang i-spoil nito ang anak nila paglaki. Hindi puwede iyon. Ayaw niya ng anak na spoiled.

"Let's go back to our room. We need to talk," aniya at nagpatiuna nang lumabas sa nursery room.

Kaagad na niyakap siya ni Benjamin nang makarating sila sa kanilang silid. Pero itinulak niya ito. "Kasalanan mo ito eh," nanggigigil na himutok niya.

Nagkasalubong ang mga kilay nito. "Hey, something wrong, babe?" Muli sana siyang aabutin nito pero pinalis lamang niya ang kamay ng asawa.

They had been married now. They married in New York, a day after they reconciled. And they got married in the Philippines again after two months.

That wasn't her problem anyway. Ang problema niya ay ang nakakainis na kaalamang buntis na naman siya. Kapapanganak pa lang niya. Tatlong buwan pa lamang si Chloe pero masusundan na naman. Ang hirap-hirap pa naman niyang manganak. Halos walong oras siya sa DR nang ipanganak niya si Chloe. Muntik na siyang ma-caesarian noon. It was a painful experience. And she didn't want to go through that again. Not yet.

Sa labis na inis ay gusto na tuloy niyang umiyak. God, she was stupid! If she had just took birth control pills as early as she could and didn't listen to the 2-3 months no sex advise of her ob-gyne.

"Hey, may problema ba, Maru?" inosenteng tanong ng asawa niya. Na mas lalo lamang nakadagdag sa inis niya. Nanggigigil na hinampas niya ito.

"Kasalanan mo ito eh!" muli niyang himutok.

"Ano ang kasalanan ko?" Nagkakasalubong na ang mga kilay nito. "Bakit, ano ba ang nangyari?"

"Well, I'm just pregnant. Again!" inis na bulyaw niya rito.

A look of surprise dashed on his face, and then, he jumped in joy. Just like the first time when she was pregnant. He was happy.

"You're pregnant?" masayang bulalas nito. Pagkatapos ay hinila siya at mahigpit na niyakap. "I'm going to be a father again. Yes!"

Steal My Heart (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon