Chapter 51 - Unfortunate Victory

2.7K 68 2
                                    

DEDICATE to kay andreaaakelly, thank you for supporting my story! and to iamlhyn08, next chapter ang e-dedicate ko sa'yo.

Keep VOTING ang leave your COMMENT. Tell me your reactions, what's on your mind, your suggestions or hindi maintindihan sa story. So that ma correct o malaman ko po. Para po sa magandang flow ng story. THANK YOU ^___^

______________________________***______________________________

NAULA'S POV

Nagiinit ang katawan ko habang patuloy ako sa pag dapa sa harap nang rebulto ng panginoon ng dilim. Ramdam ko ang kirot na nag gagaling sa dibdib ko, parang unti unti akong sinusunog sa kaloob looban ko.Hindi ko maipaliwanag, malas ko lang na isang Soul Owner ang nakalaban ko at ang masaklap pa ay ang Soul Owner nang Sacred Ball ng Kingdom of Elements ang nakabangga ko. Humanda talaga sa akin ang binatang iyon, magbabayad siya!
 

Konti na lang ang matatapos na ako dito. Pag nawala na ang White Fire sa dibdib ko, ako mismo ang hahanap sa kanila at papatayin ko sila sa sarili kong mga kamay.

"Master!" napa gulong ako sa pagkakadapa ko nang may biglang tumama na tatlong bola nang White Fire sa dinadapaan ko.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang batang babae na galit na naka tingin sa akin. Sigurado ako na siya ang may gawa noon.

"Hulihin yan! Mga tanga!" sigaw ko sa mga tauhan ko. "'Diba ang sabi ko, huwag na huwag akong dedistubohin?" Hindi naman naka sagot ang mga tauhan ko.

Tatlong mga bagong bihag ang nasaharapan ko. Napangisi ako nang makita ko ang isa sa kanila. Ano ang ginawa niya at bakit siya nandito? Naka yuko siya sa akin habang nakikiramdam sa mga galaw ko. Kaya naman tumayo ako sa harapan niya.

"Master nahuli po namin siya na makikipag kaalyado sa Upperworld." napatingin ako sa mga tauhan ko at nakangisi.

"Hindi totoo yan! Nag kakamali ang mga tauhan mo Naula."

 

"Sinabi ko bang magsalita ka?"

 

"Pero--" hindi na  siya nakapagsalita nang tingnan ko siya ng may halong pagbabanta. Tumingin ako sa tauhan ko at siya ang nag paliwanag.

"Nakita namin siya na bihag ang mga nilalang na ito."

 

"At ano naman ang kailangan mo sa kanila?" tanong ko sa babaeng traidor na ito. Hindi naman siya nag salita. "Sagot!" hindi parin siya nag salita at tinginan niya ako nang may galit. "Huwag mong aksayahin ang oras ko Wanda, dahil ano mang oras ay kaya kitang tapusin."

 

"Tapusin?" napa tawa naman siya nang mahina. "Pasalamat ka at nahuli niyo ako, dahil kung hindi ikaw na ang tapos ngayon!" mabilis kong itinuon ang kamay ko sa mukha niya at nag sisigaw naman siya sa sakit dahil nasunog ang mukha niya.

Napaluhod siya sa sobrang sakit hanggang sa napaiyak na lang ito.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon