Chapter 60 - How it will end?

2.2K 75 3
                                    

Hey guyz, just wanna let you know that I am planning to make a not fantasy/fiction story after WF. I am still thinking of the plot and title, so any suggestions? I am not fond of writing lovestory so don't expect a 'so much kilig moment' chapters but I will try. Support me ha..hehe (crossed fingers) ^__^v

-----------------warrior-fairy--------------


UNDERWORLD

Sa isang sulok nang Dark Kingdom ay nagtatago si Wayne. Naabutan niya na kinakaladkad nang isang black spirit si Brianne papasok kaya naman sa pag aalala niya sa kinakapatid ay hindi na niya ininda ang pwedeng mangyari at sinalubong niya ang black spirit na may hawak kay Brianne. Madali niya itong napatumba at napatay gamit ang pwersa at kapangyarihan niya.

Kinausap niya si Brianne para sa isang plano niya, kaya kahit na takot na takot si Brianne ay gagawin niya parin ang plano para sa kaligtasan ni Blaze at kaligtasan nila.

"Bunso, tandaan mo nasa likod mo lang ako. Hindi ko hahayaang mapahamak ka." tumango si Brianne at tila nilakasan pa ang loob.


BLAZE'S POV

Rinig ko ang mga usapan sa paligid ko. Hindi ko kayang dumilat o gumalaw tila na paralisado ang katawan ko. Gusto kong tumakbo o sumagot sa usapa nila ngunit hindi ko magawa. Halos hindi ako makapaniwala sa mga plano nila. Buong akala ko noon, si Naula lang ang kalaban. Hindi pala. Marami sila, mga kaluluwa na hayuk sa kapangyarihan at trono.

Patuloy ako sa pag coconcentrate baka sakali na makagalaw ako at makatakas dito, alam kong imposible dahil nasa harap lang ako ng trono ng Hari ng Dilim pero sa ngayon e ririsgo ko ito alam ko na hind niya ako kayang patayin dahil may pakinabang pa ako sa kanya. Kung ano man ang rason kung bakit niya akong gustong pakasalan, hindi ko alam. Pero tiyak ko, iyon ang pinaka hindi pwedeng mangyari.

Nasaan na kaya sina mommy at daddy? Ayus lang kaya sila? Ano na ang nangyayari sa mundo ng mga mortal at immortal? Sana wala pang ginagawa ang mga demonyong iyon, sana hindi pa ako huli.

Gusto kong umiyak at humingi nang saklolo, isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Wayne? Nasaan ka? Ayus ka lang ba? Sana ayus ka lang, kayo ng mga kaibigan natin. Sana mahanap niyo ako, I really need you now.

Habang nag fofocus ako sa pag galaw ng mga daliri ko, may boses akong narinig. Pamilyar na pamilyar sa akin ang boses na iyon. Bakit siya nandito?

"Pakawalan mo siya at magiging sayo ako." halata ang takot sa pananalita niya, parang bata na nakikipag palit ng laruan sa demonyo. Bigla akong kinabahan, anong ibig sabihin nito? Pero ano ba ang ginagawa niya dito. Hindi siya kasing tapang ng mga kaibigan ko para harapin ang isang demonyo, pero nandito siya nakikipag negosasyon.

"Hahahaha! Nagpapatawa ka yata bata." narinig ko ang pag sigaw ni Brianne, nag pakawala ng apoy ang hari ng dilim.

Anong ginawa niya kay Brianne?! Bakit ba kasi siya nandito?

Sa pag papanic ko, hindi ko na namalayan na nagawa ko nang igalaw ang mga daliri ko sa paa.

"Ako ang oracle, mas mapapakinabangan ko ako! Utang na loob pakawalan mo si Blaze!"

"Ang lakas nang loob mo bata! Kung sa bagay, kung magiging akin ka, makikinabang din ako sayo. Kaya... bakit pa ako pipili kung pwede namang dalawa kayo ang magiging akin?" mas lalo akong nainis, gusto ko siyang suntukin at sakalin, hayop na demonyo!

"Bakit ko naman iaalay ang sarili mo kapalit ng buhay ni Miss Hatley? Nagpapaka hero ka na rin ba?" boses ni Naula iyon.

Unti unti kong naramdaman ang pag kawala ng pamamanhid ng katawan ko. Nagagalaw ko na ang mga paa ko.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon