Chapter 42 - Moonlight Goddess

4.7K 109 11
                                    

MOONLIGHT GODDESS

"No one hopes in You will be ever put to shame, but shame will come on those who are treacherous without cause" Psalm 25:3

______________________***______________________

[AT:UPPER WORLD]

AARON'S POV

Hayop talaga ang Wayne na iyon, iniwan ba naman kami. Ayan tuloy nag titiis kami dito na makasama sa mga maharlikang prinsesa at prinsipe. Isa pa itong Angelo na ito ang aga kaming ginising ayan tuloy hagard na ako. Idagdag mo pa ang paglalakbay na ito. Wala akong choice kundi ang manahimik.

Habang pababa sa horse illusion na byahe na iyon may na mataan kami na lumiliwanag na subrang liwanag ng kung ano mang ilaw ang nandoon. Nakakasilaw, masakit sa mata.

"Ano yun?" sabay naming tanong nina Ace at Angelo. Malamang wala kaming alam.

"Hindi maari!" pasigaw na sabi ni prinsipe Benjamin at agad siya umakyat sa mabatong bundok. Nasipag sunuran agad ang mga prinsesa at prinsipe sa kanya.

"Anong nangyayari?" tanong ni Angelo nag kibit balikat na lang ako at sinundan ang mga prinsesa at prinsipe.

Namataan ko pa na hinihintay kami ni Brix at tinulungan niya kaming makaakyat sa mataas na bato. Sanay talaga sila sa ganitong adventure eh. Hassle naman, ang init init pa dito.

Bulubundukin ang lugar na iyon, maraming matataas na bato at maraming matinik na halaman sa paligid. Tiyak na mahihirapan ang sino mang magtangka na pumarito.

"Ah! Ang dami ko nang gasgas!" reklamo ni Ace

"Ako din, dumudugo na ang braso ko. Kainis!" dagdag ko.

"Reklamo kayo ng reklamo." mahinang sabi ni Brix sa amin.

"Ba't ikaw, hindi ka ba mag rereklamo na sugat sugat na ang katawan mo dyan oh. Dumudugo pa yung pisngi at noo mo. Mag kakascars yan. Hala ka." biro ko sa kanya. Sa dinami dami kami ng mga halaman na maraming tinik, hindi talaga maiiwasan ang hindi masugatan sa lugar na ito. Marami na ring punit ang mga damit namin.

"Hindi yan. Nandyan naman si Blaze. Gagaling ito pag nahawakan niya." sabi niya pa habang nakangiti at bigla siyang yumuko at magpatuloy sa pag lalakad. "Sana makita na natin sila" alam ko na nalulungkot siya, halos magkapatid na ang dalawang iyon kaya alam ko ang nararamdaman niya. Halos kapatid na din namin si Axel at Brianne kaya nag aalala din kami.

"Diba may pakpak ka? Ba't di ka lumipad para huwag ka masugatan diyan" sabi ni Angelo, oo nga noh? May pakpak naman si Brix pati ang magkapatid na prinsipe Benjamin at Orlando. Mga fairy sila kaya malamang may pakpak din ang mga iyon. Pero may lalaki bang fairy na may pakpak?

"Hindi pwede. Pag nakita tayo ng moonlight goddess, aalis at magtatago iyon. Kailangan natin siyang mahuli kung saan man siya nag papahinga ngayon. Nang sa ganun makuha natin ang gusto natin sa kanya." paliwanag ni Brix.

"Anong gusto natin? Paano natin yun mahuhuli eh dyosa nga iyon diba?"

"basta" sagot niya at muling naglakad.

Kahit balot na balot kami sa mga suot namin, ramdam na namin ang lamig ng paligid habang paakyat kami ng paakyat. Parang may fog pa nga sa lugar na ito eh. Ilang minuto pa ay nakarinig kami ng boses ng babae, tumatawa ito habang kumakanta. Mamaya kakanta uli at tatawa. May baliw din pala dito sa Upper World.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Where stories live. Discover now