Chapter 23 - Necromancer

7.6K 160 33
                                    

BLAZE'S POV

After namin samahan mag enroll sina Elle at Jaynel, dinala ko sila sa Lake Park. Ito na kasi ang paborito kong pasyalan sa Sarrosa.

Napaupo kami sa damuhan at nakatingin lang sa mga namamasyal at naglalaro sa paligid.

"Grabe Blaze, ang laki pala ng eskwelahan dito, kakaiba." sabi ni Elle

"Pero hindi yun ang napansin ko Elle, ang mga tingin ng mga tao dun kakaiiba." sabi ni Jaynel

"Gaya nga ng sabi namin ni Brix, huwag niyo na lang pansinin yun. Siguro natural lang yun kasi bagohan tayo sa school." sabi ko.

"Oo nga at ang ganda natin noh! Natural mapapatingin talaga sila.Hahaha" dagdag ni Brix. Pero hindi natawa ang dalawa. Kaya sumimangot na lang siya.

"Pero narinig ko sa usapan doon na may mga nawawala daw na mga studyante sa eskwelahan." nagkibit balikat ako, yun nga siguro ang sinasabi nila Aaron kahapon, ang mga dinudukot na mga kabataan.

"Ate pahinge po ng konting pera, hindi pa kami nakakain ng kapatid ko." napalingon kaming apat sa bata na nakatayo sa harap namin, hawak niya ang isang mas maliit na batang babae. Mukhang madumi silang dalawa at na ngangayayat ang mga katawan nila.

Bigla ako nakaramdam ng pagkirot sa puso ko dulot ng awa sa kalagayan ng dalawang bata na nasa harap namin ngayon.

"Saan ang mga magulang niyo?" tanong ni Elle sa kanila

"Wala na po, nalunod daw po sila sa ilog malapit sa gubat." nakayukong sagot ng batang lalaki. Sa tantya ko mga 10 years old ang batang lalaki at 5 years old ang batang babae.

Parang nadudurog ang puso ko sa kalagayan nila. Ang bata pa nila para maulila.

"Saan kayo naka tuloy ngayon?" tanong ni Jaynel

"Doon po oh, sa may maliit na kubo. Kasama po namin si lolo pero mahina narin siya kaya hindi na nakakapag trabaho. Kami na lang ang humahanap ng pagkain namin. Kaya sige na po, maawa na po kayo. Kahit konti lang po pang kain lang namin." tumalikod ako sa kanila.

Hindi ko kayang tingnan ang mga batang iyon. Ang sakit talaga sa dibdib. Parang ako ang nakokonsensya sa kalagayan nila. Naawa ako sa kanila.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Ito oh, ibili niyo ng pagkain yan ha." nakita kong binigyan sila ni Brix ng pera.

"Bata, wala kaming pera ng kaibigan ko eh. Pero may maitutulong naman kami sa inyo." sabi ni Elle, kaya napatingin ako sa kanya ng hinawakan niya ang dalawang bata. Hinawakan din ni Jaynel ang mga bata at pumikit.

Maaring ginamit nila ang kapangyarihan nila para makatulong. Napapangiti ako sa kanila kahit na we-weirdohan ang dalawang bata sa ginawa nina Elle at Jaynel. Hindi talaga lahat mabibili at makukuha gamit ang pera.

"Kids! Sumama kayo samin, itago mo na yang perang bigay ni ate Brix niyo." sabi ko. Kahit masama ang sumama sa hindi kakilala, sumama naman ang mga bata sa amin, mapagkakatiwalaan naman kami noh. Sumunod na rin ang mga kaibigan ko.

Dinala ko sila sa mall, gusto ko silang tulungan at pasayahin. They are too young and kids of their age should enjoy childhood life. Hindi iyong pino problema nila ang kakainin pag gising, mangungulila at malulungkot sa pagkawala ng mga magulang nila.

Maswerte parin pala ako sa buhay ko kaya wala akong karapatang magreklamo. Kahit hindi akong pure na tao, kahit lumaki ako na malayo sa mommy ko, lumaki naman ako ng maayos at may daddy na nag aalaga at nag mamahal.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Where stories live. Discover now