Chapter 40 - The Escape

4.7K 122 59
                                    

THE ESCAPE

"Through one person's disobedience many became sinners. And through one person's obedience many will become righteous." -Romans 5:19.

HAPPY NEW YEAR readers! New year, new life, new me, new love life para sa akin.bwahaha INSPIRED na!

_______________________***_______________________

THIRD PERSON'S POV

Habang umaalis sa palasyo ang mga bihag ni Naula, namimilipit siya sa sakit. Walang ka alam alam si Axel kung anong klasenang kapangyarihan ang pinakawalan niya.

Isang malakas na atake ang ginawa niya na malapit sa dibdib ni Naula, isang Sacred Ball lightning na nag kuryente sa katawan niya. Lingid sa kaalaman nila na ang pagpatay sa mga immortal ay ang pagsaksak sa dibdib nila. Iyon ang bagay na iniingatan ng mga immortal na taga Upper World na huwag malaman ng mga taga Under World man o Middle World dahil mapapahamak sila. At dahil si Naula ay mula sa Upperworld, iyon din ang kahinaan nito, ang masaktan sa dibdib.

Pinili ni Naula na lisanin ang lugar na iyon para iwasan ang soul owner ng Sacred Ball kahit alam niya na tatakas ang mga ito. Kampante naman kasi siya na walang mapupuntahan ang mga bihag niya dahil nasa Under World ang mga iyon at ang mga nilalang doon ay puro mga alagad niya.

Lumakad siya sa harapan ng malaking rebulto ng dyablo na nakatayo sa likod ng trono niya. Dumapa siya doon para sambahin at hingan ng tulung ang kinikilala niyang hari. Umusal siya ng mga hindi maintindihang salita bilang rasyon at gumawa ng ilang ritwal.

***

Habang tumakas naman sina Axel, hirap na hirap sila bumaba sa bulubundukin na kinalalagyang ng palasyo ng hari ng dilim. Nasa itaas pa kasi ito ng pinakamataas na bundok sa Under World, isang bundok na walang buhay, puro matutulis lang na mga bato ang nasa paligid. Makikita mo na nag liliyab ang malaking apoy sa paligid ng Under World. Mainit pero si Blaze ay parang isang malamig na bangkay. Pinag tulungan nilang tatlo na buhatin siya, kahit nag tataka sila kung bakit sila hinayaang makataas ni Naula ay hindi na nila inintindi iyon.

"Makakahanap din tayo ng tulong. Tiyak na kumikilos na ang mga taga Upper World" sabi ni Elle na punong puno ng pag asa. Nilagyan niya ng mga baging ang mga bewang ng bawat isa para hindi tuluyang mahulog, nag tawag siya ng mga Nature Spirit pero walang good Nature Spirit sa Under World upang tumulong sa kanila. Pero tiyak niya na may nakakuha ng mensahe niya. Kung meron mang pwedeng makapasok na makakatulong sa kanya, iyon ay ang Lost Soul lang. "Sana makuha ni Kim ang mensahe ko." dagdag pa niya.

***

Sa Upper World naman ay pinag pahinga muna ng mga hari at reyna ang mga soul owner at mga prinsesa at prinsipe para sa lakad nila patungong Under World. Kahit matitigas ang ulo nila para awatin ay na kumbinsi naman sila. Kailangan nila ng lakas at sapat na pahinga sa mga haharapin nilang kalaban. Oras na makita nila ang portal ng Upper World patungo sa Under World ay saka na aatake ang mga kawal ng bawat palasyo.

Pero balisa si Wayne ng mga oras na iyon habang mahimbing na natutulog ang mga kaibigan niya. Magkaiba ang silid tulugan ng mga lalaki at babae doon, iba din ang silid nilang mga mortal sa silid ng mga prinsipe kung kaya malaya siyang nakakapag isip sa veranda ng palasyo.

Natatanaw niya ang liwanag ng buwan, kakaiba ang anyo ng buwan dito, ang laki na parang halos abot kamay mo na. Sa isip niya 'nakikita kaya ni Blaze ang buwan doon sa Under World?' hindi siya makatulog at hindi siya mapapanatag hanggat hindi niya alam ang kalagayan ng kasintahan. Iba ang kutob niya, ayaw man niyang sabihin pero alam niya na may hindi magandang nangyayari.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Where stories live. Discover now