Chapter 49 - Her Soul

2.3K 74 5
                                    

A/N: I know super late UD na ito pero super busy lang talaga. Sorry... Thank you parin sa pag babasa

____________________________***_______________________________

{UNDERWORLD}

 

WANDA'S POV

Ako na ang magiging reyna nang lahat. Malapit na Wanda, malapit na. Napangiti ako habang hawak hawak ang bote kung saan nakalagay ang dalawang prinsesa. Pupunta ako ngayon sa Upperworld. Kukunin ko ang banal na aklat nang mga kaluluwa kapalit nang buhay ng dalawang prinsesa.

Napatingin ako sa prinsesa ng Kindom of Gems na wala paring malay hanggang ngayon, inaalalayan siya nang bunsong anak ng White King na si Prinsesa Ana. Mas maganda sana kung ang Prinsesa ng Kingdom of Wizards ang nakuha ko nang mas mapadali ang mag kuha ko nang aklat na iyon na nasa pangangalaga ng mga walang kwentang White Wizards.

Pag nakuha ko iyon. Malaya ko na magagawa ang ritwal sa pag papalit ng kaluluwa namin ng itinakda. Magiging akin ang katawan niya. Hihihi Ang katawan niya na kung saan nanalalaytay ang dugo nang isang Warrior Fairy at kung saan ang Sacred Necklace. Ang dugo nang mandirigma na makakapatay sa hari ng dilim ayun sa nasabing propesiya.

BRIANNE'S POV

Mabilis ang mga kilos ng mga Necromancer na iyon. Nakabantay kami sa kaluluwa ni Blaze. Hindi ako makapaniwala, paano naging possible na mahiwalay ang isang kaluluwa sa katawan na buhay pa. Napa tingin ako sa biglang pag sigaw ni kuya Axel.

"Si Blaze!" nataranta kami dahil huli na. Huli na kami sa pag kilos dahil nabasa ang kaluluwa niya nang tubig alat. Bigla naman nawala ang mga Necromancer sa paligid.

"Hindi maaari!" sigaw ni Kim. Nasiglapitan na kami sa kaluluwa ni Blaze. Bigla itong umilaw at lumutang sa ere. "Blaze?" napatingin kami kay Kim. Siya lang ang nakakaalam sa nangyayari. Halos lahat kami ay walang ideya sa nang yayari kay Blaze.

"Kim, ano?! Anong nangyayari kay Blaze?" nag aalalang tanong ni Prinsepe Orlando.

"Nakabalik si Blaze! Gising na siya!" natutuwang sabi ni Kim at muli kaming tumingin sa nakalutang na katawan ni Blaze. Bigla itong gumalaw na parang nag uunat pa.

"Blaze!" sabay namin sabi na tuwang tuwa. Napalingon siya sa akon at ngumiti. Una siyang lumapit kay Brix na naiiyak habang nakatingin sa kanya. Ngunit kaluluwa parin siya. Hindi siya mahawakan at hindi niya kami pwedeng hawakan.

"Anong nangyari?" tanong niya sa amin.

"Mitzie! Anak!"

"Dad!" gustuhin man nilang magyakapan mag ama ay hindi nila magawa. Kaya maluhaluha na lang sila nag titigan.

"Nasaan si Wayne? Bakit wala si Wayne?" takang tanong ni Blaze. Nagkatinginan na lang kaming lahat dahil hindi namin alam kung anong isasagot sa kanya.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Where stories live. Discover now