Chapter 24 - False Friend

7.5K 171 23
                                    

BRIX'S POV

Nandito kami sa library room ng mansyon ni Blaze, ang yaman ni tito Mike eh. Ganyan talaga kaya magpapaampon na ako kay tito.Haha

Nag patawag ako ng meeting naming apat dahil may plano ako para sa paghahanap ng mga soul owners na yan. Apat na lang ang hinahanap kasi si Chum pala ang isa dun, pinahirapan pa kami. Sinubukan naming tawagan ni tito Mike pero mukhang timang si tito eh, alam lang niya sanggol ang binigyan niya. Di man lang tinandaan. Kaya ayun napa simangot kami ni Blaze, pinahirapan talaga kami ni tito sa misyon eh.

"Ang daya talaga ni dad! Ako pala yung isa eh, mukhang tanga tayo sa kakahanap." natatawa ako kay Blaze parang bata, ganyan kasi magtampo yan sa daddy niya. Swerte nga niya may daddy siya eh.

"Yaan mo na, buti nga mahirap nahapin para hindi din matunton ng mga taga Under world diba?" sabi ko sa kanya.

"Kung sa bagay... Si daddy talaga... hay well, ano na yung meeting na yan? May paganyan ganyan ka talaga Chum?"

"Haha para maiba lang Chum. Feeling mentor ako eh, pagbigyan mo na ako." dream ko talaga ito, yung parang mag me-mentor ka tapos parang nag pa plan ka for a misyon. Haha ang cool... Suot ko pa ang nerd eyeglases ko at naka pusod ang buhok ko.

"Nandito na kami, ano na yun?"

"Kala ko nag swimming na kayo sa banyo. Upo na muna kayo." ang tagal maligo nina Elle at Jaynel eh, ano kayang ritwal ang ginagawa nila pag naliligo? Iba kaya ang mapaparaan ng pagliligo sa Upper World? Na curious tuloy ako. Ang kikinis nila eh.

Nag ayos naman sila ng upo kaya inayos ko na din ang laptop ko. Haha Oo may ganun akong pakulo.Pagbigyan niyo ako =u=

"Finding the SOUL OWNERS. Well, alam naman natin na apat na tao na lang ang hinahanap natin, right?" tumango tango naman sila pero si Chum natatawa sakin. Batuhin ko siya ng laptop eh. =__=

"Ang tumawa walang ice cream mamaya." sabi ko at tiningnan si Chum at bigla siyang nag pout at yumuko. Sige Chum tawa pa. I know your weakness. Bwahahaha

"PLAN NUMBER ONE... Since sa naramdaman nina Elle at Jaynel ang energy ng mga treasures ng kaharian nila sa mga friends ni Blaze. Uunahin natin silang pagtutuonan ng pansin." tapos nag flash sa laptop ang mukha nina Wayne, Axel, Aaron, Ace at Angelo... Sinama ko na din sina Brianne at Megan.

"Chum, saan mo nakuha yan? Stalker ka no?!" tiningnan ko lang siya ng masama kaya nanahimik si Blaze. Serious mode ako ngayon Chum, huwag kang magulo.

"Dahil sa pag atake sakanila ng mga tauhan ni Naula. Uunahin natin ang mga lalaki, ang AC5. Yan ang pangalan ng group nila, isang AC7 yan dati pero napatay ang dalawa nilang kaibigan 3 buwan ang nakaraan."

"Napatay? Paano? Sino?" tanong ni Elle samantalang tahimik at seryosong nakikinig si Blaze at Jaynel

"Wala pang suspek ang na identify, pero ayun sa mga pulis ay napagkamalan silang gangster ng mga ibang gang kaya napag initan sila. Tanging ang dalawa nilang kasamahan ang namamalagi dito, kaya sila ang napatay."

"Saan ba ang lima noong nangyari yan?" Jaynel

"Sa Manila nag aaral ang apat at sa America naman nag aral si Wayne."

"Wait lang ha... Sabi mo napagkamalan silang gangsters??? How? I mean paano nangyari yun eh wala naman pala sila dito noong mangyari yun. At lalo na hindi sila nag stay dito kasi nga diba hindi sila dito nag aaral dati??" Blaze

Warrior Fairy (The Blazing Heart)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें