Chapter 38 - Oracle's Interpretation

5.7K 116 23
                                    

ORACLE'S INTERPRETATION

"Then you will know the truth, and the truth will set you free." -John 8:32

______________________***______________________

BRIX'S POV

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa sarili ko matapos ko makita ang pagkuha ni Naula sa mga kaibigan ko. Kay Blaze at Brianne. Wala akong nagawa, ang hinahina ko.

"Blaze... Brianne..." iyak parin ako ng iyak habang nakaluhod sa sahig. Napakawalang silbi ko. "Blaze..."

"Brix!" agad napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Ace, kasama nila si Yosz. Nakasunod din sa kanya sina Wayne, Aaron at Angelo pero nasaan si Axel? Si Jaynel at Elle?

"Anong nangyari?" tinulungan niya akong tumayo at pinakalma.

Inaloalo ako ni Wayne para tumahan dahil hindi ako makausap ng matino. Kahit papaano nakaramdam ako ng kaligtasan sa presensya nila, pilit ko hinanap si Axel pero parang hindi nila ito kasama.

"Brix, saan si Blaze?" tanong ni Wayne. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kaya mas naiyak ako paginiisip ang nangyari kanina.

"Brix, sabihin mo saan si Blaze?" mahinahon na tanong niya, tinginan ako ni Wayne sa mga mata, alam ko nagaalala na siya at mas magaaalala siya sa malalaman niya. But he deserve to know the truth.

"K-kinuha sila n-ni... Naula"

"Ano?!" sabay na sagot nila.

"Sinong sila?" tanong ni Angelo

"Si Blaze at Brianne." lalo akong naiyak nang maalala ang takot at gulat na mukha nina Blaze at Brianne kanina. Lalo na si Blaze na kinulong ni Naula sa ice cage. "S-sorry! Sorry! Wala akong nagawa. Sorry" pilit naman akong pinakalma ni Ace at Aaron kahit nagmumura na sila sa kaba at pagaalala.

Nakita ko ang galit sa mga mata ni Wayne, lagi ko siyang nakikitang mahinahon lalo na pagkasama niya si Blaze pero ngayon nakakatakot siya. Napasuntok siya ng malakas sa isang pader na kinabigla naming lahat. Inawat naman siya nina Ace dahil dumudugo na ang mga kamay niya.

"Sh*t! Wayne ano ba!" awat ng awat sa kanya sina Ace pero parang hindi nila kaya si Wayne. Marahas na hinila ni Aaron si Wayne kaya bumagsak ito sa sahig.

"Sh*T! That idiot! I'll kill him I swear!" sigaw ni Wayne habang galit na galit na nakatingin sa ere. Ginulo niya ang buhok niya at naupo sa sahig. Tinapik tapik naman ni Angelo ang balikat niya at timungin sa akin.

"Kinuha din niya sina Elle, Jaynel at Axel" sabi ni Angelo kaya napatingin ako sa kanya. Paano? Kaya pala galit na galit ng sobra si Wayne. Pero pati si Axel?

"Hindi pwede!" Hindi niya pwedeng makuha ang mga prinsesa, lalo na ang soul owner ng Sacred Ball na si Axel. Mukhang alam ko na ang plano niya. Oras na makuha ni Naula ang sacred ball, mas magiging makapangyarihan siya sa lahat ng taga Upperworld, magiging paing niya sa ibang kaharian ang mga prinsesa. Kinuha niya si Brianne para mawalan kami ng gabay sa mga desisyon na gagawin at lalo na kinuha niya si Blaze para walang makakapagharang sa mga plano niya. "Kailangan natin makausap si Prinsipe Orlando." iyon na lang ang naiisip ko ngayon, kailangan namin ng tulong.

"Paano?" napatingin kami kay Kim, ang lost soul na kalilitaw lang. Mukhang alam na rin niya ang nangyari.

"Gustuhin ko man tumulong, hindi ako maaaring makatapak sa Upperworld dahil isa akong lost soul, kailang muna matagpuan ang nawawalang kayamanan ng karagatan bago ako makapasok doon."

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon