Chapter 62 - Last Part

3.4K 98 4
                                    

Sorry for the very late UD. Di ko napansin na hindi ko pala na publish ang last part. Thank you sa mga nag message at napansin ko. Nabitin tuloy kayo. Anyways, ito na po yun.

-iamhappyheart

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~***~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BLAZE'S POV

Pagkatapos nang mga pangyayari sa Under World, ito na yata ang pinaka masayang pagpunta namin sa Upper World. Iang oras lang matapos ang digmaan, halos na ibalik na agad sa ayus ang lahat.

Oo, as in ayos na ayos na ang lahat. Sa tulong tulong na mga kapangyarihan nga bawat nilalang ay naiayos ang mga nasirang lugar at monumento ng Upper World, kakaiba, parang walang digmaang nangyari.

Hindi ko na maisip kung anong oras na at kung ilang oras na kami dito dahil sa maraming ginagawa ang lahat, pero ngayon, ang ginagawa nila ay ang pagaayos nga Upper World na may mga ngiti sa labi at tuwa sa puso nila. Tunay na masasabi mo na talaga ngayon na nasa Upper World ka. Kung maganda at nakakabighani ito noong unang punta ko dito, ngayon ay mas triple pa ang ganda ng lugar. Mas dumami ang mga bulaklak at halaman na may iba't ibang kulay at anyo. Mas marami na rin ang mga hayop sa paligid na kakaiba at halos maaamo sila. Ang mga Palasyo na halos mawasak na, ngayon ay pulido at matatag na nakatayo.

Sa Kingdom of Gems, halos masilaw ang mga mata namin sa kislap ng mga diamante sa paligid ng palasyo nila, halos kasing linaw ng tubig ang mga crystal na diamante sa paligid nila. Lahat naman sa kanila ay nakasuot ng glittery na damit, ang gara tingnan. Siguro makakuha lang ako ng isang malaking diamante diyan, yung tipong nahulog lang sa pader ng palasyo, tiyak malaking pera na yun pag dating sa Middle World.

Sa kabliang parte naman ay kitang kita ang Kingdom of Wizard, sa tulis ng tuktok ng tore ng palasyo nila, tiyak pwede nang maging litson ang mga nagliliparang Wizard gamit ang mga walis tingting nila. Ang saya nilang tignan na ang hahabulan sa ere, ang ganda naman ng mga suot nila, iba ibang kulay halos formal ang theme nila ngayon.

Sa Kingdom of Nature ay nakakamangha tingnan ang mga dambuhalang hayop na iba iba rin ang klase, hindi naman sila kasing laki ng Dinosaurs pero yung kasing laki ng Ostrich at Elepante sila. Nakasakay sa mga hayop ang ibang Nature Spirits na masayang nakikipag laro sa isa't isa, ang mga kahoy ay nagsasayawan ang mga sanga nila, maraming prutas ang namumunga sa mga sanga nila, ang iba ay hindi ko matukoy kung anong pruta dahil hindi ito pamilyar. Kakaiba nga talaga ang mga narito.

Napatingin ako sa Kingdom of Fairy, maraming pixie fairies na kumikislap sa paligid ng palasyo, iba ibang kulay, iba ibang kislap. Ang ganda, napaka magical ng dating. Ang Palasyo na dati puro vines lang ang nakakapit ay mas lalong gumanda dahil may mga bulaklak narin ang mga ito na ibaibang kulay. Maraming kumikislap sa paligid, halos kada galaw ng mga fairies ay kumikislap sila, parang nag iiwang nga kislap sa ere. Ang galing naman! Ang mga nag lalakihang fairies ay nakikilipad sa mga pixies.

Ngayon ramdam na ramdam ko talaga na nasa ibang mundo ako.

Ang dagat sa harapan ko ay maraming iba ibang laki ng whirpool na hindi naman nakakatakot. Mas maganda pa nga itong tingnan, nakaka aliw, parang sumasayaw ang tubig. Ang bundok sa kabilang dako ay maaliwalas tingnan, makikita mo sa gitna nila ang sikat ng liwanag. Ang hangin naman na paikot ikot sa ere ay may iba iba ring kulay, nag papaikot ikot ito sa paligid na nag iiwan ng makulay na usok paligid.

"Your beautiful anf fascinating like those" napalingon ako kay Wayne, nakangiti siya parang nawawala ang mata sa tuwa niya. Kitang kita sa mga mata niya ang kaligayahan. Mas lalo siyang gumwapo sa aura niya ngayon.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon