Chapter 47

3K 84 7
                                    

"If you have faith when you pray, you will be given whatever you ask for." -Matthew 21:22

______________________________


A/N:

Sorry sorry po talaga sa superkaduper late UD ko. Hindi ko na kasi maopen ang wattpad browser ko after a long time na hindi ako nakapag internet. Buti na ayos na po. Kaya this UD was made 3months ago pero ngayon ko lang na uplaod. SORRY!

Sana po subaybayan niyo parin.

_________________________________***___________________________

KIM'S POV

"ANO IYON?!" nagkatinginan kami ni Yosz, mabilis siyang lumipad pataas. Ngunit naiwan akong nakatayo doon dahil hindi na ako makalipad, hindi na ako kaluluwa, may katawan na ako.

Anong gagawin ko? Padating na sila.

Tatakbo na sana ako para mag hanap ng pagtataguan pero huli na ang lahat. Nakita nila ako at masaklap pa at naabotan nila ako. Ang bibilis pala tumakbo ng mga duwendeng ito. -_-

"Ano ba! Bitiwan niyo ako!" inis kong sabi sa kanila habang hawak hawak ako sa dalang binti ng dalawang dwarfs na babae. Buti at babae sila at maliliit dahil kung hindi sisipain ko talaga sila, ngayon pa na may paa na ulit ako.

"Paano ka nakapasok dito? Kasamahan ka ng mga mortal na iyon noh?" gigil na sabi ng lalaking dwarf.

"Isang katawan. Pagkakataon ko na ito!" sigaw naman ng babaeng dwarf na tayo sa harapan ko. Lima kasi ang mga dwarf na ito. Tatlong babae at dalawang lalaki. Nakita ko parang naghahanda ang babaeng dwarf, kinabahan ako dahil baka nakawin din niya ang katawan ko gaya ng ginawa ng isa nilang kasamahan kay Blaze.

"HOY!" napalingon kaming lahat sa nagsalita. Sino kaya iyon?

"Sino ka?! Ha!" sigaw ng lalaking dwarf na ito. Kala mo ang tapang tapang eh. Pero kahit ako hindi ko kilala ang nagsalita, nasa madilim na parte siya ng kweba kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.

"Ang liit liit niyo pero ang tatapang niyo. Palibhasa marami kayo." narinig ko pa ang pag smirk niya, si Yosz ba iyon? Huwag niyang sabihin na nag boses malaki siya para takutin ang mga dwarfs na ito. Pero good idea yun, kasi mas maliit nga naman sila ni Otaku kesa sa mga dwarf na ito.

"Eh ano kung marami kami?!" sagot ng malditang dwarf na nasa harap ko. Ang lakas parin makakapit ng dawalang babaeng dwarf sa mga binti ko parang mga unggoy lang eh.

"Kung ako sa inyo, pakakawalan ko na ang babaeng yan bago ko kayo isa isang ilagay sa loob ng malaking garapon na ito" sabay taas niya ng malaking babasagin na garapon, loko loko yata yun eh, hindi naman mag kakasya ang limang dwarfs sa loob niyan. "Hindi ako nag bibiro" banta pa niya. Pero salamat sa kanya dahil mukhang kinakabahan ang mga dwarfs ngayon, takot nga yata sila ilagad sa garapon. Ramdam ko ang panginginig ng dalawang dwarfs na naka kapit sa binti ko at parang nagkakatinginan pa ang tatlo na nasa harapan ko.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Where stories live. Discover now