Chapter 59 - Beginning of War

2.2K 68 3
                                    

Hey guyz. Sorry it's been awhile AGAIN. I left my remaining chapters of this story in my laptop in Philippines. I am now working overseas so that's why I almost forgot to continue this story. But here we go again. Hope that I can finish this book with victory. ^__^

********★warrior-fairy★*******

Marahas na labanan ang nangyayari sa Upperworld. Kanya kanyang labas ng kapangyarihan hanggat sa makakaya nila para ma proteksyonan ang sarili at ang mga pamilya ng bawat isa. Marami sa mga taga Underworld ang umatake. Alam ni Naula na hindi ito ang nasa plano, hindi ito ang ipinangakong tagumpay ng Hari ng Dilim sa kanya. Pero hinayaan niya na lamang ito dahil naisip niya na may sarili itong plano na mas maganda.

UPPERWORLD

ORLANDO'S POV

Halos hindi ma ubos ubos ang mga taga Underworld na pumapasok galing sa portal. Halos wasak na ito at hindi na kaya ng mga kawal ng Upperworld pigilan ang mga itim na lahi. Halos marami na rin ang nasaktan at nasawi.

"Jaynel" sinaksak ko ng hawak hawak ko na arrow ang Black Spirit na muntik nang umatake kay Jaynel.

"Salamat" tumango ako sa kanya at nag patuloy ang labanan.

Magkakasama ang mga prinsipe at prensesa sa labanan na ito. Kami ang itinuturing kapitan general nang aming kaharian. Responsibilidad namin ang aming mga magigiting na kawal at responsibilidad namin ang aming mga kalahi.

Mawawala muna kami sa mundong ibabaw na ito bago kami pamunuan ng mga demonyong iyon.

"Ano? Nakita mo na?" tanong ko sa kapatid ko na si prinsipe Benjamin.

"Hindi siya kasama sa pag salakay."

"Naka pagtataka naman wala siya para sa inaasam niya na digmaan."

Panay ang pakikipaglaban namin sa mga Black Spirit panay din ang sulyap ko sa portal na halos walang natirang shield. Pagod na ang mga Gemnians sa pag pigil dito halos wala na rin silang lakas at madali nang matalo.

Bigla akong hinawakan ni Benjamin sa balikat.

"May pinaplano siya. Marahil hindi pa ito ang tunay na laban." agad siyang umalis para sumulong sa mga kalaban.

Naiwan akong napaisip sa sinabi niya. Kung hindi pa pala ito ang tunay na digmaan. Ibig sabihin may pinaplanong mas malupit si Naula at ang Hari ng Dilim.

"Ang mga mortal." bigla akong tumakbo papunta sa portal papuntang Middleworld. May sumisigaw ng pangalan ko pero hindi na ako lumingon.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napahinto. Napatingala ako sa kalangitan at parang nag babadya ito nga kulog at kidlat. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. May hindi magandang nangyari sa kaharian.

Napalingon ako sa isang dako at may tumatakbong babae na naka itim na parang night dress ang itsura, mahaba ang buhok at matangos ang kanyang ilong. Nakangiti itong nakatingin sa mga naglalaban sa digmaan. SIno siya at bakit masaya siya sa nangyayari? Isa kaya siya sa kampon ng dilim?

Biglang nanindig ang mga balahibo ko nang mapadako ang mga tingin niya sa akin. Para akong nanghihina sa mga titig na iyon. Tila nakakapanglambot ang titig niya, halos mapaupo ako sa sahig.

Kitang kita ko ang pagtawa niya ng makita ang panghihina ng tuhod ko. Nagulat ako ng biglang nag iba ang aura niya. Mula sa isang magandang sopistikadang babae, naging isang babaeng mangkukulam ang itsura niya. Kinaway niya pa ang mga daliri niya sa akin at tumawa ng napaka tinis. Sabay dampot nito sa kanyang walis.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Where stories live. Discover now