Chapter 55 - The Escape

2.4K 77 3
                                    

I'm back again to post this chapter. Na reformat yung laptop ko and that means lahat ng stories ko nabura. Kaya ayun na discourage to make new chapters kasi naman ang haba pinaghirapan ko tapos nawala.Pero dahil sa nag message sa akin na kapangalan ni BLAZE, Hi @Blaze Santos. Napilit ko ako gumawa ulit. haha sama tumama ang gagawin ko kasi nakalimutan ko na ang mga pangyayari.

___________________________***___________________________

THIRD PERSON POV

May napakaliwanag na ilaw sa loob ng kweba kung saan kasalukuyan nagtatago ang mga taga Upperworld at Middleworld. Wala parin may nakakaalam kung nasaan si Wayne, ang alam lang nila ay kung ano ang katayuan ni Wayne sa hinarap, isa din siyang itinakda at iyon ang dapat nilang sabihin dito.

"Ahhhhhhhh!"

Sa tindi ng liwanag na bumalot sa loob ng kweba at nagsisigawan na silang lahat. Akala nila ay katapusan na nila. Napapikit sila sa sinag nito at napakapit sa isa't isa.


"Ligtas na kayo"

Rinig nila ang boses ng isang babae, pamilyar ito kaya napadilat silang lahat.

"Goodness! We're alive!" Sigaw ni Brix.

"Kim?!" sabay na sigaw ni Elle at Jaynel. Nakangiti si Kim sa kanila at sa likod niya at ang Moonlight Goddess na nakangiti din. Napansin nila kung saan nang galing ang liwanag na naaninag nila kanina sa kweba. Galing sa hiyas na bato ng Liwanag ng Moonligh Goddess na nakadikit sa noo nito.

"Ako nga." ngumiti ito sa kanila. "Kasama ko ang Moonlight Goddess."

"Guys?" tanong ni Aaron para makuha ang atensyon ng mga kasamahan niya "Nasa labas na tayo ng Underworld."

Napaikot sila ng tingin at napagtanto nila na totoo nga na nasa labas na sila ng Underworld.

"Salamat sa inyo Kim." lumapit sa kanya si Prinsipe Orlando at lumuhod ito. "Utang namin ang buhay namin sa inyo."

"Naku, wala yun mahal na prinsipe. Responsibilidad namin ang tumulong para iligtas kayo para sa kaligtasan ng sanlibutan. Mag tulong tulong tayo para sa kapayapaan."

"Pero teka lang. Si kuya Wayne, naiwas sa loob." nag aalalang sabi ni Brianne habang inaalo ni Ace at Axel.

Tumalikod naman sa kanila ang Moonlight Goddess at humarap sa lagusan. Parang meron itong ginagawa at nag liliwanag nanaman ang Liwanag sa noo niya.

"Hindi ko maaninag ang presensya nang binata na iyon."

"Bakit ganoon? May masama na bang nangyayari sa kanya?" nag aalalang tanong ni Brix.

"Masyadong nababalot ng dilim ang buong Underworld ngayon, lalo na sa pagkabuhay ng hari ng dilim." mas kinilabutan ang lahat sa sinabi niya.

"Ibig sabihin mas nagiging makapangyarihan na ang mga taga Underworld ngayon. Hindi na sila basta basta kalabanin." sabi ni Prinsipe Elfin.

Hindi sila makapag isip dahil sa pagkabahala. Halo halo na ang mga tanong, kaba at galit nila. Nagaalala pa sila sa kalagayan ni Wayne at Blaze. Sana okay sila, sana buhay pa si Blaze.

"Kagalang galang na Oracle nga tatlong mundo? Pwede ka bang makausap?" pormal na tanong ng Moonlight Goddess kay Brianne. Napatingin silang lahat dito at nakayuko itong lumapit sa Moonlight Goddess. Medyo dumestansya sila sa mga kasamahan nila para makapag usap ng masinsinan.

Sa loob loob ni Brianne, gusto na niyang mahimatay sa halo halong emosyon na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas para makayanan ang lahat ng ito. Alam niya na mangyayari ang mga nangyari, pero wala siyang nagawa.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Where stories live. Discover now