Chapter 9 - May Date Kami ^__^

7.1K 179 6
                                    

BLAZE'S POV



Waaaahhh may date ako!



May date ako!



May date kami ni Wayne!

Mukha akong timang!



Excited much lang talaga! Ano kaya ang susuotin ko? Hm??? Ano ba ang type ni Wayne? Simple? Elegant? Sophisticated?

Mga isang oras din akong nag halungkat ng maleta ko dahil nga kakarampot na damit lang ang dala ko dito kaya pag tyagaan na lang ang mga ito. I found a simple turtle neck sleeveless at red orange na skirt. Okay na pang date ito.



Maya maya may kumatok na ng pinto. Siya na siguro iyon...

Dali dali kung binuksan. Hindi naman masyadong excited?

Pagbukas ko ng pinto, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang gwapo rin niya, he look so cool and charming in his outfit. Ngumiti ako sa kanya, nag titigan kami bago siya nag salita.

"Tara" yun lang? wala man lang ma konswelo sa effort ko sa pagaayos? Kahit 'nice dress' o di kaya 'you look good'. Anong klaseng date ka? Hmp! Sumunod na lang ako sa kanya.

Next time BLAZE... Don't expect... -__-

Biglang nawala ang pagka excite ko. Bakit ganoon? Nagsusungit nanaman po siya.



Wow! Dodge Viper ang sasakyan niya. Mayaman pala siya? Hmm Not bad...

Wala kaming imikan sa byahe, napapanis na ang laway ko dito. Tsk! Ano ba ang lalaking to, nawala ba ang dila niya?

Nawawala na talaga ang HOPE ko na maging maayos 'to. Malakas ang pakiramdam ko na hindi magiging good date ang first date ko.

Bumaba kami sa isang restaurant, class at elegant ito. May taste din pala siya sa mga ganitong lugar.

"Order ka na." Wayne

"Okay" tss! Boring niya kasama, okay sana kung si Angelo na lang ang ka date ko ngayon. Hmp!=_=

Nag order ako tapos siya din.

"Wait ha, lipat muna ako dun." sabi niya kaya tumango naman ako.

Sinundan ko lang siya ng tingin tapos... tumaas ang kilay ko ng lumipat siya ng upuan sa harap ng isang babae. Ano yun? May date kami tapos may date din siya?

Anu yun...

Dual date????

Parang dual sim lang?



Humanda talaga siya pag naging totoo ang hinala ko. Girl's instinct nga naman.



Maya maya bumalik na siya sa table namin, hindi na ako nag tanong baka naman kasi friend lang niya o kakilala lang. Kaya hinayaan ko. Hanggang sa dumating ang order namin, hindi parin siya nagsasalita. Sheeet nice date huh!

Tapos, hindi paman siya nakakain, lumipat nanaman siya sa kabilang table.

wala man lang EXCUSE ME

Ang totoo, ano 'to?!

Grr... Kalma Blaze, kalma lang...



Bumalik uli siya sa table namin pero tinginan ko siya ng nagtataka. Makuha ka sa tingin LALAKI!

"Ah.. She's my another date today." ngumiti pa siya sa akin kaya napataas lalo ang kilay ko. WHAT? ANOTHER DATE???? DATE niya rin? Tapos kanina pa ako dito ngayon lang siya ngumiti tapos mukhang proud pa siya na dalawa kami ang date niya.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon