Chapter 16 - Concern ako!

6.4K 163 11
                                    

WAYNE'S POV

Nakakinis ang mga babae sa paligid. Ngayon lang ba sila nakakakita ng gwapo? Ang lagkit ng mga tingin eh, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.

Sanay naman ako sa mga titig nila pero.. Hay ewwannn! Wala lang ako sa mood ngayon.

Gala ng gala ang paningin ko sa paligid, kada classroom yata na madadaanan ko tinitingnan ko na. pero hindi ko siya makita.

Saan naman kaya iyon? Hindi ba siya dito nag aral? Ito lang naman ang pinaka maganda na school dito.

Tss! Bakit ko ba hinahanap ang Blaze na iyon?

Hayaan na nga, baka ma tuhod ako ulit nun.



Dinaanan ko ang mananaggal na iyon sa apartment niya pero wala eh. Sayang sa effort sa paglalakad ang init pa naman nun. Pero WALA eh. WALA SIYA DOON.

Ewan ko pero parang na excite ako na makita siya that time.

Pero nakakainis lang sayang talaga sa effort! WALA nga siya eh.

"Oh Angelo? Saan ka galing?" parang kabute talaga ang kumag na 'to.

"Kina Blaze" bigla naman akong napatingin sa kanya. Nag punta siya doon? Di man lang kami niyaya?

Aish! Pakialam ko naman kung nag punta siya doon? Grabe pinuntahan niya talaga ang babaeng iyon? Tindi din ng isang 'to. Seryoso siya?


"Nag usap na kayo?"

"Wala parin siya dun" lakwatserang babaeng iyon, saan naman nag punta iyon? Sabi naman ng mga kapitbahay niya hindi naman siya taga rito at walang kakilala dito. Well, except siguro sa amin. Pero malay ko ba kung meron.

"Baka nag tanan na yun" ako. Sinamaan niya ako ng tingin. Ganoon siya ka affected? Paano nga kung nagtanan talaga iyon. Tsak wala daw kakilala dito baka naman pinuntahan lang niya ang boyfriend niya dito tapos natagpuan na niya tapos ayun nagtanan na.

"Kahit hindi pa kami masyadong magkakilala ni Blaze, alam ko na hindi niya magagawa iyon. Nag aalala lang ako sa kanya dahil sa mga balibalita sa ibang bayan." Angelo

"Ano naman ang kinalaman nun?" ako

"May natagpuang bangkay ng babae sa ilog sa kabilang bayan. Mukhang pinagsamantalahan bago pinatay." bigla akong kinabahan sa sinabi ni Angelo.

"Kailan lang yan, nakilala ba ang bangkay?"

"Kaninang umaga lang. Oo, highschool student daw iyon. Pero nag aalala ako kay Blaze, paano kung ma tyempohan siya kung saan man siya ngayon? Alam mo kung gaano kadelikado ang lugar natin. Masyadong marami nang patayan ang nagaganap." Angelo

Hindi ko alam pero parang bigla akong nag alala sa babaeng iyon. Tama si Angelo, minsan na ring nawala ang mga kaibigan namin sa kagagawan ng hindi kilalang mga kriminal. Naalala ko ang mommy ko na ganun din ang ginawa sa kanya dati. Pinagsamantalahan at pinatay ng walang awa.

Mas lalong uminit ang ulo ko sa nangyayari. Naalala ko sina Brianne at Megan.

"Tawagin mo sina Ace" utos ko kay Angelo. Kaya tumango siya at nilapitan sina Ace na nag lalaro ng soccerr sa field.

Kahit gag* ako at loko loko, hindi naman ako irresponsable para hayaang may mapahamak sa mga kaibigan ko.

"Oh bakit?" Axel

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora