Chapter 46 - Saving Blaze

4.1K 104 14
                                    

SAVING BLAZE

"And I declare that the dead, who had already died, are happier than the living, who are still alive." Ecclesiastes 4:2

________________________________***_______________________________

WAYNE'S POV

Nasa loob kami nang isang maliit na crystal na parang garapon. Hindi ko nga alam paano kami nag kasya dito ni Blaze-- este ang dwarf na ito na nasa katawan ni Blaze. Ang ingay ingay pa, buti sana kung si Blaze talaga ang nandito eh. -_-

"Waaaahhh! Pakawalan niyo ako!!! Waaaah!!!" tumalikod na lang ako sa kanya at tinakpan ang magkabilang tenga ko sa sobrang inis.

"Waaaaaahh!! Gardo Gardo! Tulooong!!!" ayan nanaman siya sa kaka Gardo niya. Edi magsama sila! Iwan niya lang yung katawan ng girl friend ko. Mahirap na mapakinabangan pa ng panget na bansot na iyon.

Napaupo kaming dalawa ng alugin ng witch na dumukot sa amin ang crystal na kinalalagyan namin. Ang laki ng mata niya kung titingnan dito sa loob ng crsytal. Alam kong naka ngisi siya sa amin habang sinusuri kaming dalawa.

"aahhhh! Huwag mo po kaming saktan!!" sigaw nanaman ng dwarf.

"Tamang tama! Ang itinakda nga at ang iniibig niyang binata. Hahahahaha ang galing ko talaga! Tiyak na may premyo nanaman ako kay Naula mamaya." sabi pa ng witch na iyon habang tuwang tuwa kaming pinagmamasdan.

"Hindi po! Hindi po ako ang itinakda! Dwarf ako! Lost Soul, na padpad lang sa katawan na ito! Waaaah maawa na po kayo sa akin!!!"

"Anong sabi mo?!"

"Hindi po ako ang itinakda!!! Totoo po iyon! Itanong mo pa sa kanya!" tinuro pa talaga ako, eh kasalanan niya yan, magnanakaw nang katawan!

Inamoy amoy naman siya ng witch na iyon at nanlaki ang mata niya na parang galit na galit.

"Isang dwarf?! Ninakaw mo ang katawan niya!!!" nanginginig naman sa takot ang dwarf dahil sa mas nagalit ang witch. Teka, witch nga ba? Bakit may pakpak siya kagaya ng mga fairy? "HINDI!!! HINDI PWEDE ITO!"

May dumating naman na parang anino sa siyang nag padilim ng paligid. Parang itim na usok na hugis tao ang aninong iyon.

"Kung hindi siya ang itinakda. Katawan parin iyan ng itinakda at nananalaytay parin ang dugo ng isang itinakda sa katawan na iyan." bilog at mahiwaga ang boses ng anino na iyon. Parang huminto ang witch na iyon sa kanyang inis at galit, parang napaisip siya sa sinabi ng anino.

Ano ang gagawin nila sa katawan ni Blaze? Ano ang kinalaman ng dugo niya? Kung may binabalak man sila, hinding hindi ko hahayaan na galawin nila ang katawan ni Blaze. Magkamatayan na!

Tumayo ako at hinila palapit sa akin si Blaze. Nagulat naman ang dwarf sa ginawa ko, dinala ko siya sa likod ko at hinawakan ng mahigpit. Hindi nila pwedeng saktan ang katawan ni Blaze, kahit wala siya dito sa katawan niya, po-protektahan ko parin siya.

"HINDI!!!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ng witch. Anong nangyayari at mukhang pinagbabato niya ang mga boteng nasa harapan niya. "Ang Sacred Necklace! Nasa kaluluwa niya ang Sacred Necklace! Kailangan ko iyon! Kailangan ko maghiganti sa mga Fairies!!!" halos masira ang buong paligid sa pwersa niya at sa mga pambabato niya. Mabuti at anino ang kasama niya kaya hindi man lang ito tinatamaan.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Where stories live. Discover now