Chapter 57 - The Chosen Queen

3K 87 11
                                    

"In the middle of nowhere. I felt empty, hurt and destroyed. I don't know if I did everything to say it's time to rest. Knowing I became weak, I became a burden and I disappoint the world. I didn't want to go back anymore. If I do, would this world be at peace or this will double the burden and guilt that I'm feeling now?"


I've been here for long hours, I don't know what is happening out there. I'm alive, I know I am alive but why I feel like I'm dead?


"Blaze! Blaze?!" I his voice again. I can't see him, I'm desperate to answer him but how?


"HAHAHAHAHA" that evil creature! What is he doing to him? I need to go back now. Please show me how!



@UPPERWORLD


Isang babae ang lumitaw sa silid, na trap ang White King sa ginawa niyang malapad na kapot ng gagamba gamit ang kanyang mahika.


"Ikaw?!" ngumisi ito sa kanya.


"Ako nga, kaibigan."


"Paano ka nakapasok dito?!"


"Importante pa ba yun? Diba mas dapat mong alalahanin kung ano ang kailangan ko sa'yo?"


"Hindi ka nararapat tumuntong sa lupa ng Upperworld, isa kang traidor!"


"Hah! Iyon ay kung magiging Upperworld pa ang tawag dito pagsinakop na ito nga Underworld."


Napakuyom ng palad ang White King, siya ang witch na dating White Wizard, naging kasumpa sumpa ang ginawa niya dati kung kaya itinakwil siya. Katulad siya ni Naula na nag ambisyon na mamuno ng mundo. Mga sakim at ganid sa kapangyarihan.


"Ano ang kailangan mo?!"


"Galit ka yata, Hari"


"Wala akong panahon sa iyo!"


"Simple lang naman ang gusto ko, ang tagapagmana mo." napakunot ang noo ang hari.


"Hindi ko ibibigay at ilalagay sa panganib ang prinsesa, anak ko siya. Hinding hindi mo siya magagalaw!"


"Hahaha wala akong pakialam sa prinsesa, Hari! Ang lalaki mong anak ang kailangan ko!"


"Matagal nang patay ang mga anak kong lalaki. Pinatay niyo diba? Dahil akala niyo noon na isa sa kanila ang pabatang tinutukoy sa propesiya. Wala na sila, pinatay niyo!" halos magwala ang Hari sa galit dahil na alala nanaman niya ang pagkamatay ng dalawang anak niya na lalaki na magmamana sana ng trono niya. Sina Prinsipe Alex at Prinsipe Allan.


"Mukhang tinatago mo yata ang anak mo sa isang mortal. Pero pasensya kana dahil alam na alam ko na ang tungkol dyan. Siya ang bata na tinutukoy ng propesiya. Nadamay pa tuloy ang dalawa mong anak na walang ka alam alam sa kalokohan mo noon. Hahahaha"

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon