Chapter 41 - Where To Go?

4.6K 119 14
                                    

WHERE TO GO

"And be not fashioned according to this world: but be ye transformed by the renewing of your mind, and ye may prove what is the good and acceptable and perfect will of God." -ROMANS 12:2

_________________________***_________________________

[AT:UNDER WORLD]

AXEL'S POV

Sumunod kami sa mga dwarf lost souls na tumulong kay Blaze. Wala naman kaming choice kundi ang matiwala sa kanila. Hindi namin alam ang daan palabas sa impyernong ito. Puro apoy ang paligid, maliban sa mainit na parang nasa desyerto ang pakiramdam dito, ay mali, parang impyerno talaga dito. Impyerno naman talaga ito diba? Nandito ang mga demonyo at hari ng dilim. Lucifer din kaya pangalan ng hari nila? Ah basta demonyo siya.

"Bubwit, halika nga dito" sita ko kay Brianne na kanina pa nahuhuli sa paglalakad. Nag aalala ako sa mga kinikilos niya. Parang balisa at malalim ang inisip niya mula nang niligtas namin ang daddy ni Blaze sa bundok.

"B-bakit?"

"Wala, basta dito ka sa tabi ko. Mamaya saniban ka ng demonyo diyan, weak kapa naman."

"D-di ah!"

"Weak!" panunukso ko sa kanya, sanay na ako na lagi siyang inaasar kaya normal na sa akin ang pikonin siya.

"S-siguro" napataas ang kilay ko sa sagot niya sabay kunot noo ko. Pumunta ako sa harapan niya at yumuko. Pandak kasi si Brianne kaya kailangan yumuko. Tiningnan ko siya sa mata na parang kinikilatis ang reaksyon niya.

"Sinaniban kana ba? Bakit hindi kana pikon?" bigla siyang napaiwas ng tingin sa akin. "Tsaka, nag agree ka sa sinabi ko na weak ka? Wow epekto ba yan ng pagigin Oracle mo? Bumabait ah" natatawa kong asar sa kanya.

"H-hindi ah! Nakakainis ka nga eh! Pikon na pikon nga ako eh!" pasigaw niyang sabi kaya napalingon sina Blaze sa amin. Pero si Brianne ay parang hindi naman mukhang pikon at hindi naman galit. Parang iba ang mga sinasabi niya sa kinilos niya.

"Bawal maingay kung ayaw niyo liparin ng uwak" sabi ng maliit na dwarf at nag patuloy sa pag lalakad.

"Uwak? Yun ba yung wakwak?" curious na tanong ko.

"Tara na nga!" inis na sabi ni Brianne at hinila ako habang hawak hawak sa braso.

"Hoy bubwit. Kung may problema ka, dadamayan kita." sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya at sumunod kina Blaze.

Hindi na muli nagsalita si Brianne at patuloy lang siya sa paglalakad. Balik nanaman siya sa pag iisip at pagiba ng kilos. Hindi ko na kinulit baka kasi may mga nakikita nanaman siya sa hinaharap o nakaraan. Ganyan naman pag Oracle diba, kung mapait at masakit makita ang nakaraan, mas nakakatakot naman makita ang hinaharap. Lalo na siguro sa kalagayan namin ngayon, walang derekyon, parang nagkakapa sa dilim at walang mapuntahan. Hindi nga namin alam kung may patutunguhan ba ang pag sunod sa mga lost souls na ito. Sila nga eh, hindi makalabas dito. Paano pa nila kami matutulungan?





BLAZE'S POV

Kanina pa ako nahihilo pero hindi ko lang pinapahalata. Para akong naduduwal na hindi ko maintindihan. Ayon sa mga dwarf ay nalason ako sa lamig ng yelo na bumalot sa katawan ko. Kailangan daw matanggal iyon sa pamamagitan sa pagpapainit sa apoy. Kahit saan angulo tingnan, mainit naman talaga dito sa Underworld, puro apoy na nga ang paligid pero ewan ko kung anong klaseng apoy ang kailangan para matanggal ang lamig na nararamdaman ko. Weird, ang init ng paligid pero nilalamig ako at hindi natatanggal iyon kahit halos ma prito na ang mga kasamahan ko dito.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Where stories live. Discover now