Paunang Salita

966 36 4
                                    

Mayo 16, 2020

Halos limang taon na simula nang isinulat ko ang nobelang ito. Labinlimang taóng gulang ako noon. Mayo 31, 2015. Mahalaga sa akin si Totoy dahil siya ang una kong tauhan na masasabi kong binuo ko sa matagal na panahon.

Tatlong taon ko bago natapos ang pagsusulat dito. At ngayong binabalikan ko ang mga kabanata, alam ko na malayo ito sa pagiging perpekto. Sa kamalayan at boses ni Totoy, halimbawa. O iyong mga pangyayari sa kuwento na ngayon ko lámang nakikita ang pagiging problematiko.

Mapapansin sa nobelang ito ang mabibigat na tema. Bakit nga ba ang hilig magsulat ng isang baguhang manunulat ng tungkol sa kamatayan, kalungkutan, pang-aabuso, at iba pang katulad nito? Bakit mas madaling pahirapan ang isang tauhan kaysa isulat ang kaniyang pagtatagumpay? O marahil, ang kaniyang kasawian ay ang katagumpayan mismo ng kaniyang manunulat?

Ang totoo, nahihirapan akong irebisa ang nobelang ito. Pakiramdam ko kasi, magbabago ang lahat—ang kuwento, ang boses ng panulat, ang mismong mga tauhan. Masyado kong minahal ang mga bagay na ito kayâ nahihirapan akong pakawalan. Gayunpaman, naniniwala ako na darating ang panahon na babalikan ko muli ang nobela upang magbagong-bihis.

Ngunit sa ngayon, iiwanan ko muna ang nobelang ito sa kung paano ko ito iniwanan noon.

Maligayang pagbabasá!

Para sa iba ko pang mga akda, bisitahin ang mgapiraso.wordpress.com

TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon