Kuwento

3.5K 159 28
                                    

Ang alikabok ng lungsod ay kumapit sa akin pagkatapos kong makipagsagupaan sa mabibilis na sasakyan, sa mga nagmamadaling mga tao at sa usok ng mga pabrika upang dalhin ang mga bote sa tindahan ni Aling Anna. Kailangan ko itong ipakilo upang maibenta.


Malapit na ako sa kaniyang tindahan nang bigla akong hinarang nila Sergio at ang kaniyang mga alagad. Kilala ang kanilang grupo bilang 'Tropang A.S.O (Astig, Sutil at Owsom)'.


Lagi nilang hinaharang ang mga batang kagaya ko para kuhanin ang mga nakolektang bagay na maaaring ibenta. Noong una'y gusto kong mapasali sa kanilang grupo pero bigla kong naalala na masama 'yon. Hindi lang nila basta kinukuha ang mga nakolekta kung hindi para na rin nilang binura ang mga paghihirap ng mga kagaya ko. Oo nga't sikat sila at astig pero hindi ko iyon kailangan upang kumita.


Wala na akong magawa. Naipit ako sa isang sitwasyon na wala nang solusyon. Naipit ako sa mga taong walang alam kung hindi mang-away. At kung hindi ko ibibigay ang mga hawak ko, maaaring maipit ako nang literal dahil sa laki ng mga katawan nila.


Ibinigay ko na lang ang mga bote at dali-daling umalis sa kabila ng aking inis at poot.


Pagkauwi ko ng bahay ay nakita kong naglalaro si Jocelyn ng manikang gawa sa mga retaso ng tela. Gusto ko sana siyang inisin pero nangingibabaw pa rin sa akin ang galit kay Sergio. Sino ba siya para ganituhin kami?


Ngunit sa kabilang dako, may kasalanan pa rin kami. Nananatiling bahag ang aming mga buntot upang patigilin ang masasama niyang gawi. Naalala ko nga minsan ang sinabi ni Ina habang nakikinood kami ng balita kay Aling Cristina, ang kabit-bahay naming nagtitinda ng kendi, sigarilyo at pamunas sa bangketa. Sinisisi ng isang babae ang Presidente dahil wala raw itong nagagawa upang matulungan ang kagaya niyang mahirap. Lagi kong naririnig ang reklamo ng mga tao sa balita at ilang beses na rin akong nakasaksi ng mga nagwewelga. Hindi na nakatiis si Ina habang nanonood.


Hindi rin naman kailangan laging umasa sa pagbabago ng mga 'yan. Kailangan nating bumangon gamit ang sarili nating mga paa dahil hindi dapat tayo umasa sa iba. Bakit kailangang magreklamo kung mismo nga silang may problema, hindi gumagawa ng solusyon?


Natutuwa ako dahil sa sinabi niya ngunit medyo nahihiya rin dahil nakikinood lang kami.


Habang nakaupo ay nilapitan ako ni Jocelyn. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa kaniyang manika na kung hindi ako nagkakamali ay pinangalanan niya itong "Ganda". Noong una ay tawa ako nang tawa dahil sa pangalan nito. Ganda? Anong maganda sa manikang walang mukha? Bigla na lang lumungkot ang mukha niya no'n. Hindi ko alam pero gusto kong humingi ng patawad. Hindi ko na ito nagawa dahil umalis siya habang lumuluha.


Lumapit pa siya nang kaunti pero bigla akong lumayo. Ayaw na ayaw ko talaga siyang makalapit. Naiirita ako.


"Alam mo ba kung bakit Ganda ang pangalan niya?" mahina niyang tanong.


Wala ba talaga siyang masabi kaya walang kwentang tanong ang binitawan niya. Ngunit dahil sa kuryosidad, gusto kong malaman ang sagot.


"Bakit naman?"


"Gawa kasi ito ng ating ina. Siya lang ang taong gumawa ng laruan para sa akin kaya naniniwala ako na mas maganda pa ito kaysa sa mga mamahaling manika. Ito ang pinakamaganda dahil gawa ito ng pinakamamahal kong nanay."


"Pinakamamahal? Wala ka bang ina? Hindi ba't mas mahal mo dapat ang iyong tunay na ina?"


"Iniwan niya ako. Nabuhay ako kasama lang si Papa."


Bakit nag-iba ang tono niya sa salitang Papa? Parang may halong takot at pangamba. Parang may kakaiba na ayaw na niyang maalala.


"At iniwan ka rin niya?"


Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya inaaway ngayon. Ang gusto ko lang ay marinig ang kwento ng buhay niya dahil kahit isang beses, hindi pa niya binabanggit ang dahilan kung bakit siya iniwan nito.


"Ang totoo niyan, hindi ako iniwan. Iniwanan ko siya," sagot niya kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kaniyang mata. Nanginginig siya habang nagsasalita. Bakit?


"Bakit mo siya iniwan? Sinasaktan ka ba?"


"Paulit-ulit akong sinasaktan. Lalo na kapag hindi ako pumapayag sa gusto niyang mangyari. Pinipilit niya akong makipagtalik. Ngunit hindi ko na kaya. Dahil siya pa rin ang nananalo. At araw-araw niya akong pinagsasamantalahan."

TotoyWhere stories live. Discover now