Tauhan

1.4K 86 14
                                    


Tumawa si Tito Julius. "Oo. Masama bang tawagin kitang anak?"

Gusto kong sabihin na oo, masama iyon. Pagkatapos mong sabihin noon na kaibigan lang ang turing mo sa akin, pagkabalik mo, tatawagin mo akong anak?

Pero, hindi ko sinabi. Hindi ko kaya. Mayroong mga bagay na kailangan ko munang unahin bago ang paghihimutok na ito.

"Hindi naman po. Nakakapanibago lang." Tumawa akong nang pilit.

Yumuko siya. "Magaling na 'yong asawa ko, Totoy."

"Mabuti naman po. Nakauwi na po ba siya sa inyo?"

"Malapit na," sagot niya. "Magsisimula raw kami mula sa umpisa. Humingi siya ng kapatawaran sa mga ginawa niya, sa pagtapon niya sa anak namin."

"Maganda po 'yon. Iyon naman kasi talaga ang dapat. Kalimutan ang lahat at magsimulang muli."

Ngumiti siya. "Bago pa tayo magkaiyakan dito, magpapaalam muna ulit ako. Pagkalabas ni Patricia sa ospital, pupunta na kami sa Bicol, sa probinsya ko." Muli niya akong niyakap. "Salamat, Totoy. Sa lahat."

Doon ko huling nakita si Tito Julius. At sa pag-alis niyang iyon, naramdaman ko na mas lumaki ang puwang ng aking puso. 

Paalam, Tito Julius.


"BAKIT ba ang arte n'yong dalawa? Hinalikan mo na siya, 'di ba? Ibig-sabihin, mahal mo na rin. Ano pang problema?" sabi ni Miraquel habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. "Nakaka-stress kayo. Baka manganak ako nang 'di oras."

"Ano bang gusto mong ipahiwatig?"

"Duh." Umirap siya. "Malamang, maging 'kayo' na."

"Baliw ka ba? Magkapatid kami, 'no."

"Magkapatid daw, pero hinalikan naman sa labi."

Hindi ako nakapagsalita. Kahit saang anggulo tingnan, mali ng ginawa ko.

"Natahimik ka, 'di ba?" dugsong ni Miraquel. "Iyan kasi. Nalaman lang na in love 'yong tao, sinamantala mo na."

Tumingin ako sa kaniya nang masama. "Hindi ko nga kasi sinasadya. Mahirap bang intindihin 'yon?" naiirita kong saad. "Kung kaya ko namang pigilin ang sarili ko no'ng panahon na 'yon, ginawa ko na."

Umiling si Miraquel. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad na papunta sa kuwarto nila ni Jocelyn.

Huminga ako nang malalim. Pumikit nang mariin. At sa aking pagmulat, nakita ko ang mukha ni Jocelyn na nakatingin sa akin. Wala akong makitang emosyon sa kaniyang mukha. Blangko. Umupo siya sa aking tabi. Palabas sa T.V. ang pelikulang Flipped. Nakatingin siya sa rito, ngunit alam kong hindi niya iniintindi ang palabas. Para siyang lumulutang. Kasama ko siya, ngunit hindi ko maramdaman. At sigurado, ganoon din ang pakiramdam niya ngayon sa akin.

"Somehow the silence seemed to connect us in a way like words never could," narinig kong sabi ng bidang babae na si Juli Baker.

Napaisip ako. Kakaiba nga nagagawa ng katahimikan. Mayroong mga pagkakataon na mas maingay pa ito kaysa sa isang lugar na napakaraming tao. Dahil ang katahimikan, hindi man naririnig, nagdudulot ito ng pagkabingi. Sa tagpong ito, sa kabila ng katamikan namin ni Jocelyn, nararamdam kong binging-bingi na rin siya sa mga bagay na dapat niyang gawin, sa mga bagay na nagdirikta kung ano ang tama at mali.

TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon