Facebook

2.1K 102 17
                                    

Nakatitig lang ako  sa nagsasalita sa unahan. Unang araw na naman ng pasukan. Marami kaming takdang-aralin. Hindi ko maiwasang mainis sa nagsasalita sa unahan. Si Mr. Durian. 

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang kaniyang pangalan. Mula sa kaniyang balingkinitang katawan, sa malaki niyang mata, sa itim niyang buhok at sa maputi niyang kutis ay tinititigan ng marami. Siya ang kauna-unahang nagbigay sa amin ng gawain. Kailangan pa naming pumunta ni Jocelyn sa computer shop upang magawa ito.

Tuwang-tuwa ako nang sinabi niya na uwian na. Nagkagulo ang aking mga kaklase habang papauwi. Inintay ko pa si Jocelyn dahil tumungo siya sa banyo. Dala niya ang pulbos, suklay at pabango. Ngayon ko lang siya nakitang mag-ayos. Nainis ako sa naisip ko na mayroon na siyang gusto. Hindi puwede. Masyado pa siyang bata para roon. Nasa ika-anim na baitang pa lang kami, nagkakagusto na siya? Pero sabagay, ako nga noon kay Romelyn sobrang bata pa. 

Pumasok na naman sa isip ko ang lahat. Mula sa una kong kita sa kaniya, sa lamok, sa panloloko niya. Mas maganda siguro na kalimutan ko na talaga siya nang buo. Kasama na rin doon si Leo. Minsan ay naaalala ko siya ngunit mas pinipili ko na lang maging masaya. 

May bago ng tirahan si Tito Ed. Pinatira siya ng kaniyang kasamahan sa trabaho at sa huling kita ko sa kaniya noong isang linggo, mukhang maayos na ang kaniyang kalagayan.

Lumabas na si Jocelyn sa banyo. Nakaipit ang kaniyang buhok at mas pumuti ang kaniyang mukha dahil sa pulbo. Ngunit bigla akong nairita nang lumapit siya sa akin. Ayaw ko sa amoy niya. Parang kendi na may halong prutas. Nakakasawa ang amoy. Masyadong pambabae. 

"Tara na, Papa Totoy," natatawa niyang sabi.

"Bakit ka ganiyan magsalita? Anong nakain mo?" 

"Wala naman. Ginagaya ko lang 'yong pinapanood sa akin ni Miraquel. Pabebe na rin ako."

"Itigil mo na nga 'yan. Iyan ang napapala mo kay Miraquel. Puro kayo kabaliwan."

Bigla siyang natawa.

"'Wag kang pakialamero. Sa tingin mo, bagay sa akin magpaahit ng kilay?"

"Hindi. Magmumukha kang kalabaw. Tara na nga. Marami pa tayong gagawin."

Kumindat lang siya sa akin at naglakad nang maarte.

Pagkarating namin sa computer shop ay natagpuan namin si Miraquel na may pinapanood.

"Jocelyn, tingnan mo. Gayahin natin bukas."

Sinilip ko kung ano iyon at nakita ko ang dalawang babaeng nagsasalita na tila may inaaway. Sila raw ang 'Pabebe Girls' at may sumingit pang boses na "Tama na 'yan." Ganito ba talaga ang mundo ng internet?

"Sige. May nahanap ka na ba sa assignment natin?" maarteng tanong ni Jocelyn.

Lumayo na ako sa kanila. Hindi ko kayang marinig ang mga boses na ganoon. Parang iniipit na ewan. 

Pero bigla kong naalala, hindi ako maalam gumamit ng computer. Hindi naman ako kagaya ni Miraquel na laging tambay sa lugar na ito. 

Nilapitan ako nina Jocelyn at Miraquel. Binuksan nila ang computer na nasa aking harapan.

"Oo nga pala, wala pa kayong Facebook ano?" tanong ni Miraquel. Mabuti naman at bumalik na sa normal ang boses niya.

"Oo. Ipaggawa mo nga ako," natutuwa na sabi ni Jocelyn.

"Anong Facebook? Mamaya na kayo magganoon. Baka gabihin na tayo rito. Simulan na natin 'tong ipinapagawa ni Durian," naiirita kong sabi.

Inirapan ako no'ng dalawa pero sinimulan na namin ang aming gawain. Si Miraquel na ang nasa harapan at siya ang nagtitipa. Bibigyan niya na lang daw kami ng kopya. 

TotoyWhere stories live. Discover now