Epilogue (Part 2)

4.5K 136 28
                                    

Epilogue (Part 2)

Ang totoo nan, pinilit ko si Mommy na ipagluto ako ng carbonara at si Iara.

"Mag uusap na kayo?"

"Pwede pa ba, My?"

"Usap lang kasi talaga iyan anak. Wala namang may gusto ng nangyari. Matagal kong sinubaybayan si Iara, mabait na bata at walang ibang inisip kundi paano sya mabubuhay sa pang araw araw."

Kanina ko pa sya sinusulyapan sa set. Abala sya sa pag asikaso ng mga artista. Habang abala naman ako sa pagtitig sa kanya.

Noong magbreaktime sandali, mabilis na hinanap ng mata ko si Iara. Nakita ko syang nakaupo sa motor nya.

Kita ko iyong tinapon nyang sigarilyo. I suddenly wanted to punch Shin, pero choice naman ni Iara ang mag yosi. And I have no say to that. Kinuha ko ang paper bag sa sasakyan ko at lumapit sa pwesto nya.

Muntik pa syang malaglag sa pagkakaupo nya. I had to blew a breathe, this is the right timing to talk to her, I guess?

"Have you eaten already?"

"Ahm, biscuit lang."

I nodded and handed her the plastic container. Tinanggap naman nya.

"Carbonara. Luto ni Mommy." I explained. "Nalaman nya kasing nakakasama kita sa shooting so she prepared that for you."

Tumayo ako sa gilid nya at nagsimula ng kumain. Pasimple akong sumulyap sa kanya.

"She's your sponsor, right? My mom?"

"Ah, nito ko lang din nalaman." She nodded and started eating. "Pasabi, salamat dito."

Silence filled us both. Hindi ko pa din mapigilang hindi tumingin sa kanya. Maaliwalas na ang mukha nya ngayon.

Pagharap nya sakin, nagkanda ubo ubo sya ng mahuling nakatitig ako sa kanya. I looked away and drank on my tumbler.

"Ano ba yan! Huwag ka ngang tumitig."

Sinilid ko na ang plastic container sa paper bag.

"Hayme.. ano James Michael pala." Nilingon ko sya. "Gusto ko lang magsorry dun sa nangyari sa labas ng bar..."

"Okay lang." Kaswal kong sagot.

"Pasensya na. Lasing na kasi talaga ako." Dugtong nya pa.

Right. Lasing sya at hindi dapat talaga kami mag usap noon.

"So hindi totoo lahat ng sinabi mo?" Sabi ko. Natigilan naman sya.

Nagkatitigan kami. Iara bit her lower lip.

"Ano.. totoong nagsosorry ako sa nangyari at sa pagsisinungaling ko sayo. Totoo iyon.."

"Pati ang pagsabing mahal mo pa ako?"

Hindi sya sumagot at inirapan lang ako.

"I'm sorry, too.." namamaos kong sabi.

Muling napabalik ang tingin nya sa akin dahil sa narinig.

"I know I'm wrong being mean to you, but you wouldn't blame me. You lied to me eventhough I'm trusting you, Iara." I sighed. "Narealize ko na hindi dapat naging ganun ang trato ko sayo. Cause in the first place you didn't wished for that life."

Tumikhim sya. "Noong una, sabi ko aaminin ko na sayo lahat ng nakaraan at ang mga ginagaw ako. Pero umurong ako, paano kung mandiri ka sakin? Paano kung hindi mo ako matanggap? Ang paano sa utak ko noon, Hayme... natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nasabi ko na lahat lahat sayo."

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now