Chapter Forty Five

3.3K 77 30
                                    

Chapter Forty Five

Kanina pa ako nakatitig dito sa closet ko. At kanina pa din nagtext si Hayme sa akin. Lunch daw kami pupunta sa bahay nila ngayon kasi request nga ni Tita Anne Marie.

Hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang pumunta sa bahay nila, given na nasaksihan ng parents nya ang nangyaring issue over me. Paulit ulit inaassure ni Hayme na okay na daw lahat. But I doubt, Mr. Lausingco. Mukhang malaki talaga ang pagkakaayaw nya sakin for Hayme at wala naman na akong magagawa doon diba?

I cannot please everyone.

Tumunog na naman iyong cellphone ko. Tumatawag na sa messenger ko si Hayme. I sighed and swipe it.

[Baby, gonna pick you in a minute.]

I pouted. "Okay. I'll just arrange myself. San ka na ba?"

[Pababa na ng hagdan namin.] Umangat ang kilay ni Hayme. [What's with the pout, hmm?]

"I can't decide what's to wear babe. Baka hindi ako maging mukhang presentable sa magulang mo."

[C'mon. Just be who you are. Wear something comfortable and pack clothes too.]

Tumango ako at lumapit uli sa closet.

[Baby doll, patayin ko na tawag ha. Paalis na ko.]

"Take care, babe." I blew him a kissed.

[Yeah, I love you...]

Nagfinger heart ako sa kanya bago nawala ang tawag. I choose the white dress with a three fourths sleeve. I curled my hair and put some light make up. Kasalukuyan ko nang nilalagay ang pumps ko nang marinig ko ang busina ni Hayme.

I continued wearing my pumps. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng kwarto, revealing my Mr. Director who looked dashing in his white longsleeve with three buttons are open, messy hair. Nakangiti sya sa akin.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"How do I look?" I asked after kissing his lips.

"Beautiful.." he breathe. Pinisil nya ang puwitan ko.

"Hayme!"

"Okay, let's go."

He grabbed my duffle bag. Sinigurado kong sarado na ang lahat bago ako sumunod sa kanya sa sasakyan.

Kinutingting ko ang stereo nya doon, pampawala ng kaba. Hayme grabbed my hand and softly place a kiss on the back of my hand. Ngumisi ako at ngumuso.

"Dito din,"

He chuckled. "Later baby doll, I'm driving."

May dala akong fruits dahil iyon lang ang naisip ko na pwede kong dalhin. Sabi nga ni Hayme, huwag na daw but I still insisted.

Tuluyan nang nawala iyong kaba ko noong makapagpark na si Hayme sa grahe nila. Hawak ko ang basket kung saan nandoon ang mga prutas.

"Are you okay?" He asked while smirking. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Kitang hindi, itatanong pa."

Tumawa sya uli bago hinila ang baywang ko at humalik ng matagal sa pisngi ko.

"Tara na, kanina pa ako gutom."

Nagpahila ako sa kanya sa loob. Sinalubong kami ni Shinubo na nakaupo sa sofa at kaharap ang laptop.

"Hey," I called him.

Sinulyapan nya lang ako at tumango. Minsan hindi ko alam kung mas gusto ko bang seryoso si Shin or iyong tulad ng dati. Simula ng grumaduate sya ganyan na iyan.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now