Chapter Nineteen

2.3K 64 15
                                    

Chapter Nineteen

May liwanag na noong hinatid ako ni Hayme sa apartment.

"Thank you, Hayme. I had a great time." I reached for his lips again.

"Good Morning, Baby doll." He huskily said.

"Take care," malambing kong sabi.

Pumihit na ako papasok sa bahay. Napalatak ako nang makitang malinis doon, paniguradong naglinis na naman buong maghapon si Mayami. Nakakahiya naman at medyo ako itong panay na nag iiwan ng mga dumi at kalat.

Tahimik kong inilapag sa tabi ang heels ko at naglakad sa kusina. Halos mapatili pa ako ng makita kong nag hahanda na ng almusal si Mayami. Pasado alas sais palang ng umaga.

"Oh! Nakauwi ka na pala. Musta party?"

"Hehe. Pasensya ka na, ngayon lang ako nakauwi. Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Di masyado. Iniisip ko kasi kung baka bigla kang umuwi."

Naupo na ako sa upuan.

"Alam mo kasi, kailangan mo ng cellphone. Para ititext kita kung makakauwi ba ako o hindi."

Hinanda na nya ang mga tipikal na almusal.

"Hindi ko naman talaga kailangan iyon. Tyaka mas maraming importante ang pwedeng paglaanan ng pera."

"Ano nga palang gagawin mo ngayon? Hahanap ka na ng trabaho?"

"Mamaya sana. Tyaka, Iara, hihiram sana ako ng pamasahe."

Walang dalawang isip na binuklat ko iyong pouch ko at kumuha ng isang libo doon. Inabot ko iyon kay Mayami at ngumiti.

"Ayan. Allowance mo yan ha."

"S-salamat, ibabalik ko nalang."

"Naku, huwag na. Incase na kailangan mo ng pera, sabihin mo lang sakin ha."

Nagsimula na kaming kumain na dalawa. Pagkatapos ay ako na iyong nagpresintang maghugas dahil nakakahiya na kay Mayami, sya na nga ang nagluto, sya pa ang paghuhugasin ko?

Matapos kong makaligo ay naupo ako sa sala at binilang ang lahat ng pera ko. Hinati ko na iyon sa mga dapat babayaran ko.

"Iara, aalis na ako." Paalam ni Mayami.

"Osige. Mag iingat ka ha."

Tumunog iyong cellphone ko ng dalawang beses. Binitawan ko iyong ballpen at dinampot iyong phone ko.

May dalawang unread messages doon.

Unknown number:
Si Iara ba ito? Sabi ng Mama mo, ikaw na daw magbayad ng mga inutang nya sakin.

Singkit:
Anong balita sayo? Nanakawan ka na nang inampon mo?

Sumandal ako sa sofa at tinawagan si Joan. Sana hindi sya busy para makisuyo ako.

[Yesterday?]

"Joan, busy ka? Pwede makisuyo?"

[Sure. Ano ba yun?]

"Magpapadala akong pera. Pakiabot naman kina Aling Bebang at Aling Domirez. Pangbayad ng utang ni Mama."

[Okay. Sa palawan express nalang. Mas malapit dito sa bahay.]

"Salamat Joan. Text kita pag napadala ko na."

[No problemo.]

Iyong dapat na perang ipangbabayad ko sa tuition ko ay binawi ko sa envelope at nilagay sa wallet ko. Ipapadala ko na muna kay Joan para maipangbayad na sa utang.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon