Chapter Fifteen

2.6K 72 18
                                    

Chapter Fifteen

Maganda ang araw ko sumunod na araw. Well, I've already decided to be brave now. Ganado ako sa trabaho noong sumunod na mga araw pati sa pag aaral ko online.

Dumating na uli iyong supplies ko for one month at ang tuition ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga ginagalaw iyong pera sa atm, ang ginagamit kong panggastos ay iyong mga nakukuha kong pera sa pagiging pick up girl.

Nagalit si Shinubo nang malaman na ginagawa ko pa din iyon. Hindi ko nalang sya binigyang pansin, nakasanayan ko na eh. Tyaka ayaw ko nang gamitin iyong pera sa atm ko, isasave ko nalang sya incase of emergency.

Hinihintay ko nalang si Beverly dito sa pick up nya dahil mukhang natagalan ata si Bev sa costumer nya. Ngumisi ako at binilang ang nakuha kong pera, may pangbayad na ako ng upa ngayon. Hindi naman ako maggogrocery since dumating na ang stocks ko.

Tinanggal ko na iyong wig ko at tinambak lahat sa loob ng pick up. Pinatungan ko nalang ng denim ang suot kong blue halter dress with deep backless. I retouched my lipstick. Wala naman akong ginawa sa costumer ko, nag usap lang kami at nilandi landi ko sya bago ko pinatulog.

"Nasan ka na ba, Bev?" Bulong ko dahil kanina pa ako naghihintay dito.

Tinext ko na din sya para ipaalam na inuugat na ako. Pero walang reply.

"Iara?"

I froze upon hearing those deep baritone voice of Hayme. Saglit akong humiling na sana hindi sya kaso nang hinarap ko ay na-kumpirma kong si Hayme nga ito.

"Ikaw nga." Aniya. May mga kasama pa sya.

I readied my smiled. "Hayme? What a surprise!"

Kita ko ang ginawa nyang pag papaalam sa mga kasama nya bago tinakbo ang distansya namin. Lumayo ako sa pick up at sinalubong sya.

"Anong ginagawa mo dito?" He asked.

"Ah.." owshit. Anong sasabihin ko? Hindi nya pwedeng malaman na dito ako nambibiktima.

"Raket? Ang layo ha. San pablo."

"Ahm, oo. Sayang kasi at malaki ang kikitain ko." Humawak na ako sa braso nya para ilayo sya sa pick up. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Kakatapos lang ng shooting nung teleserye. At nagkaayaan kumain. Actually, pabalik na akong Makati. Sumabay ka na sakin."

"S-sige."

"Okay ka lang? Parang hindi mo gusto na nakita mo ako dito."

Umiling ako. "Masaya ako. Well, I missed you. Na-busy ka na after noong date natin."

Sumeryoso ang mukha nya. "May inasikaso lang. C'mon, let's go home."

Habang naglalakad kami sa piangparkehan nya ng sasakyan nya ay nakita ko si Bev na naglalakad palabas ng isang eskinita. Nagkatitigan kami at tatawagin nya sana ako kaya ay mabilis kong sinenyas na huwag maingay at pinakita ko ang cellphone ko sa kanya.

"Oh, may pinagkakaguluhan doon." Turo pa ni Hayme doon sa nadaanan namin.

Nanlaki iyong mata ko nang makita kong iyon iyong business man na nilandi ko kanina at iniwan ko lang doon sa tabi.

"Hayme," malandi kong tawag sa kanya. Hinarap ko pa iyong mukha nya sa akin. "Gutom na ako, drive thru tayo mamaya paguwi ha."

"Sure. Nagturo ka ba uli ng sayaw?"

"Yup. Nakakapagod nga eh." Hinila ko na sya at natanaw ko na iyong itim nyang escape na ford.

Dumaan sya sa drive thru para ibili ako ng pagkain. Panaka naka namang sinusubuan ko sya dahil nga nagmamaneho sya.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon