Chapter Twenty

2.5K 63 8
                                    

Chapter Twenty

"We missed your blue hair, Iara." Ani Sabelle.

Hinalikan ko sya sa pisngi dahil hindi ko inasahang magiging assistant director sya sa ianag project kung saan iyong raket ko.

"I missed you too. Sensya na at busy lang talaga."

"I know naman, sabi ni JM."

Speaking of Hayme. Hinatid nya lang ako sa apartment last week. Aniya'y lasing na lasing na daw ako at hindi ko na nga sya nakausap ng matino. Sabi pa ni Mayami, si JM pa daw mismo ang naglapag sakin sa kama at nagtanggal ng heels ko.

At ngayon, isa sya sa director ngayon. I greeted him casually.

"Madalas ka sa gym?" Tanong ko sa isang mga male models doon.

"Yeah. Pero kapag busy, twice lang."

"Oh. Gusto ko din maggym pero di ako marunong. Can you instruct me?"

"Sure, may kilala akong magaling na gym instructor. I'll recommend you."

Umatake na naman ang pagiging malandi ko at naaliw kausap itong male model, may awrahan kasi syang Heaury.

"Vince, kanina ka pa hinahanap dun." Ani Candy.

Tumayo naman agad si Vince at lumapit sa flatform. Sinundan ko iyon ng tingin bago ko nasalubong ang mata ni Hayme. Matiim syang nakatitig sakin. Nginisian ko nalang sya at inasikaso ang ibang male models, at syempre lumandi na din.

"Iara, pakiabot naman nitong kape kay JM." Pakisuyo ni Sabelle sakin. "Hindi ko kasi kaya ang tatlo. Okay lang ba?"

"Oo naman. Akin na."

Naglakad ako sa pwesto ni Hayme na matamang nakatitig na sakin ngayon. Nagkaroon kasi ng short break.

"Here's your coffee, Mr. Director."

Tinanggap naman nya iyon nang nakasimangot.

"Nananadya ka ba, Iara?"

Inosente akong bumaling sa kanya. "Ano na namang ginawa ko?"

"Sa harap ko pa talaga ikaw nakikipaglandian? Really?"

"Ano ba naman yun sayo? Hindi naman kita boyfriend diba?"

He made a face and refused to answer. I teasingly smiled at him.

"Unless, nagseselos ka?" I joked.

"What if I am?"

Natigilan ako at kumabog ang dibdib ko. Shems, no Iara. No!

"Are you inlove with me now?"

"No." Mabilis nyang sagot. Tumahimik ako. "It's just that, don't flirt infront of me."

"Pwede akong lumandi kung kelan ko gusto, okay, Mr. Director?"

Tinaasan nya lang ako ng kilay bago sumimsim sa kape nya. I smiled cutely at him.

After ng shooting ay inaya pa ako ni Sabelle sa bahay nina Lance, pumayag na akong sumama since matagal tagal ko silang hindi nakita at nakasama.

"How 'bout you, JM?"

"Wait for me, tapusin ko lang ito."

"Ayun. Buti nalang sasama ka, para may service kami."

Tahimik kong inayos ang bag ko. Tinapik ako ni Candy sa balikat ko para ipaalam na mauuna na silang umalis. Umupo na muna ako at naglagay ng konting cheeck tint, namumutla na din kasi ako.

"Iara, let's go." Ani Sabelle na nakahawak na sa braso ni Hayme.

"Oh. Sige, sunod na ako."

Basta ko nalang pinasak sa loob ng bag ko iyong cheeck tint at salamin ko. Sinakbit ko iyon at sumunod na agad kina Sabelle. Nakita ko naman agad na pasakay na si Sabelle sa backseat, nakatayo naman sa tabi si Hayme na nakahalukiphip.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now