Epilogue (Part 1)

4.7K 107 23
                                    

Epilogue (Part 1)

"They say before you start a war, you better know what you're fighting for."

Kumunot ang noo ko nang mahagip ang isang babae na kulay blue ang buhok sa gilid ni Charity. She's wearing a sexy outfit and her tummy is slightly revealed. Ngayon ko lang sya nakita, baka bagong assistant or PA ni Cha.

I tried focusing on something but I always end up watching her every move. Ang catchy ng buhok nyang blue, masyadong agaw sa atensyon.

Pasimple na naman akong bumaling sa pwesto nya. And I think I remember where I saw her. Doon sa bus stop noong susunduin dapat ako ni Shin pero nakita kong may kausap syang chick na blue ang buhok.

So, does she knew my brother?

Dude, she's checking me out. I can feel it. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakita ko syang nakatitig sa akin. She even raised her cup and gave me some smile. Ngumisi ako at umiling. Be careful, baby doll.

"Cut!" Sigaw ko. "Good take. Break ka muna, Cha. Si Pj muna sa eksena."

"Hindi proper attire yang suot mo bilang direktor." Ani Direk Jobet.

"Assistant director mo palang naman ako ah."

"Ikaw talaga, ganun dapat ang mga direktor. Mukhang presibtable."

I excused myself to get some coffee. Medyo antok pa ako at sinamahan ko Mommy kaninang madaling araw, hindi kasi sya makatulog.

Kumunot ang noo ko nang makarinig ng mahinang tikhim sa gilid. Mula sa pagkakatitig ko sa umuusok na kape ay bumaling ako sa kanya. She smiled immediately.

"Ah, excuse me. Kukuha lang ako ng water."

Umisod ako ng konti at hinipan ang kape ko. Masyadong mainit sa paningin ko. Lumapit sya at dumampot ng disposable cup. My eyes never blinked. She purposely squatted infront of me, ako naman syempre lalaki, sinundan ko ng tingin iyong hubog ng katawan nya.

Definately a baby doll for me.

"Bago ka lang dito?" Tanong ko nang hindi ko na matiis.

"No, matagal na din akong volunteer assistant dito." Sagot nya.

"Alright," I nodded, still watching her every move. "Are you wearing a wig?"

Hinaplos nya iyon sabay ngisi. Sabi ko nalang sa sarili ko na huwag nya akong ngingisian ng ganyan, hindi nya ako kilala. I'm a Lausingco, malakas ang kamandag naming mga Lausingco so she should be aware.

"Nope. Pinakulayan ko, ganda no?" Kita ko ang ginawa nyang pagpasada sa kabuuan ko. "Excuse, iaabot ko lang ito kay Charity."

Tumitig ako sa kanya and I just saw myself smirking. Damn, JM.

"How's your tattoo shop?" Tanong ko kay Shin.

Tumungga sya sa bote ng alak nya at napailing.

"Alam mo, JM. Hindi mo naman kailangang itanong iyon kung labas sa butas ng ilong mo."

"Gago ka. Interesado akong malaman." Pinaningkitan nya ako ng mata, kumibit ako at binangga ang bote ko sa boteng hawak nya.

"Siguro pinapatanong ni James kung anong balita no?"

"Nope. Ako mismo ang gustong makaalam. Kailangan mo ba ng tulong?"

"Shut up, JM."

Natawa ako at binato sya ng mani.

Okay kami ni Shinubo kahit na pinamumukha nyang anak sya sa labas. Na sya daw itong nagdungis sa pangalang Lausingco. Sa totoo lang, si Shinubo iyong kapatid na matagal ko nang hiniling kay Mommy. Since nagkaproblema sya sa matress, isang anak lang ako. But then, we both found out about Shinubo. Hindi naman problema sa akin, ako pa nga nagbibigay ng way para mas maging malapit kami dahil uhaw ako sa pagkakaroon ng kapatid.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now