Chapter Eight

2.7K 78 18
                                    

Chapter Eight

"May gusto ka sa kapatid ko?" Bulong ni Shinubo sakin.

"Wala pero attracted."

Tinaasan ako ng kilay ni Shinubo. "Meron bang ganun?"

"Awan, I'm not really into him pero attracted ako sa kanya ng slight."

"Mga pauso mo, Iara."

"Oo nga, siguro crush ko lang."

"Baka nadala ka sa kakaibang kulay ng mata nun."

"Isa pa yun. I find it creepy and hot at the same time."

"Sinasabi ko sayo, naka-arrange marriage na yan. Baka mas ma-fall ka."

"Gusto ko lang sya mas makilala pa. Hanggang doon lang."

"At?" Aniya.

I rolled my eyes. "I'm not discussing that to you."

Shinubo chuckles. Ilang saglit pa ay nilapitan kami ni Sabelle.

"Mukhang may sarili kayong mundo jan. Join us kaya." Hinila na nya si Shinubo habang nauna na ako.

Sa may garden ng bahay nina Sabelle, may malaking lamesa doon. I smiled at James Michael and sit infront of him. Di naman nagtagal ay kasunod ko na sina Sabelle at Shinubo. Umupo sa tabi ko si Shinubo.

"How's your dream shop nga pala, Shinubo?" Riva asked.

"Malapit na."

Dumampot ako ng chicken at nakinig sa mga pinagtatanong nila kay Shin.

"Wala akong panahon sa love life." Taas kamay na sabi ni Shinubo at nginuso ang kapatid sa harapan. "Iyan si JM ang tanungin nyo."

"Bohooo! Alam naman naming kaliwa't kanan ang babae nan since nagbreak sila ni Strawberry, diba pre?"

"Di ka pa nakakamove on kay Straw, tol?" Gulat na tanong ni Shinubo.

Owkhay. Who's Strawberry?

"Bakit ba ako ang topic bigla?" Iling ni James Michael.

"Eh kasi, wala kang permanent lovelife. Hello, sooner or later magiging successful director ka na din. You have everything na." Ani Riva.

"Baka ngang hindi ka pa talaga nakakamove on kay Strawberry?" Sinundan ni Lance. "I meant bro, happy go lucky iyon. Tyaka sobrang kalog at saya kasama. Perfect match na sana kayo."

"But hindi nagwork relationship nila diba?" Si Sabelle.

"I really like Strawberry for you, JM. Well, she's really different. Madaling makasundo na babae." Dugtong pa ni Riva.

And now, I am out of place. Sino ba iyon? Sa nakikita ko kasing reaksyon kay James Michael, parang ayaw nya talagang pag usapan iyon.

"Where is she na nga?" Sabelle asked.

"She's with her best friend, si Earl Javes." Sagot ni James Michael bago tumungga sa baso nya.

"Eh ikaw, Sabelle? I heard may nanliligaw sayong producer?" Tanong ni Shinubo kay Sabelle.

Maybe he's trying to save his brother. Halata kasi talaga kay James Michael na ayaw pag usapan iyong Strawberry. Ex nya ba yun? At hindi pa sya nakakamove on?

"Hindi. A-ah ano, wala yun." Alangan na sabi ni Sabelle.

Pinakatitigan ko sya, at naalala iyong nakita ko sa rest house nina Jasper.

"Totoo yun, ayaw palang sagutin ni Sabelle." Ani Jid.

"Hindi, magkaibigan lang kami ni Allan."

"Magkaibigan? May magkaibigan bang nagdedate?" Singit ni Jasper.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now