Chapter Thirteen

2.5K 65 17
                                    

Chapter Thirteen

"Ay wala si Boo dito. May date kayo?" Salubong ni Zian sakin nung makapasok ako sa shop.

Nginiwian ko sya. "Tse. Magpapatattoo daw sya sa akin.

"Naku, di pumasok. Puntahan mo nalang sa kanila."

"San nakatira yun?"

"Di mo alam? Akala ko ba kaibigan mo yun?"

"Iyong sa isang bahay lang ang alam ko. Iyong bahay nya talaga di ko alam."

Sinabi ni Lala kung saan iyong bahay nila Shin. Na-excite ako bigla, sana nandoon si Hayme. Charot! Bawal humarot!

"Dito na po tayo, Ma'am." Binalik sakin nung taxi driver yung papel kung saan nakasulat yung address nina Shin.

"Ay dito na po? Sige, salamat."

Nag abot ako ng one fifty at bumaba na. Tinangala ko iyong glass house sa harapan ko. Siguro naman dito na iyong bahay nila Shin kasi may LAUSINGCO'S sa gate. Unless may ibang Lausingco dito?

Pinindot ko na iyong doorbell at pinagmasdan iyong gate. Ngumisi ako ng may napansin na parang maliit na camera. Di naman nagtagal ay nagbukas na iyong gate.

"Mukha kang sira kaka-pacute jan." Salubong ni Shinubo sa akin.

"Ang ganda ng bahay nyo!"

Tinulak ko sya para makapasok ako sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?"

I kissed his cheeks and smiled.

"I'll ink you na. Pumunta ako sa shop, kaso wala ka dun kaya dinayo na kita dito." Sumulyap pa ako sa bakuna ng bahay nila.

"Wala si JM dito, nasa trabaho."

"Hindi naman sya ang pinunta ko dito ha. Ikaw kaya."

"Tss." Tinulak na nya ako papasok sa bahay nila.

"Bakit nagtitiis ka sa dorm mo, ang ganda ganda naman pala ng bahay nyo."

"Ssh. Huwag kang maingay." Pagbabawal nya sa akin.

"Bakit? May prayer meeting? Bawal mag ingay?"

Inis na hinilamos nya iyong palad nya sa mukha ko.

"Shinubo?"

Nakita kong may babaeng nakatayo sa may malapit sa hagdan nila. Nakasuot ito ng coorperate attire at tyanta ko nasa mid fifties na ito.

"May bisita ka pala."

"Good Afternoon po." I greeted her.

Kumurap iyong babae at tumagal ang pagkakatitig sa akin. Kapagkuwan ay ngumiti din.

"Tita, si Iara. Iara, si Tita Anne Marie."

Oy shit! Ito pala iyong future mommy ko. Hala, ano bang itsura ko? Nakakahiya naman.

"Girlfriend mo, Shin?"

Shinubo made a face. "None of your business."

Kinurot ko sya. Ayan, sinusungitan na naman nya.

"Nice to meet you po, Tita." Nilahad ko pa iyong kamay ko kay Mommy--este kay Tita pala.

Ang ganda ng mommy ni Hayme ha. Hawig nya sa hugis ng mukha.

Matagal na tumitig sakin si Tita Anne Marie. Ngumiti ako. Kumurap syang uli.

"How are you?" Tanong nya.

"I'm fine po."

Kaso kontrabida na naman si Shin at hinila na ako.

"Halika na. Sa garden lang kami." Walang hiya nyang paalam kay Tita Anne Marie.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon